Life With Ghosts

10 2 11
                                    

"Ma, alis na po ako," paalam ko kay mama.

Today is July 5, 2018 and the preparation for our school's nutrition month celebration.

"Sige. Mag-aral ng mabuti, ha?" paalala niya sa akin habang siya'y naglalaba. Hindi naman kasi kami mayaman para magpa-laundry pa. Hindi rin naman kami mahirap. May kaya lang kami at sapat lang ang pera namin para sa pangangailangan ng pamilya namin. I have eight siblings. Two sisters and six brothers, and I am the youngest among them all.

Ang mama ko ay housewife lang at ang papa ko naman ay guard sa paaralang pinapasukan ko. Sa isang public school kasi ako nag-aaral.

"Okay, ma! Mag-aaral akong mabuti para sa inyo," sabi ko.

"Sige na, baka ma-late ka pa."

Tumango ako at ngumiti. Naglakad lang ako hanggang sa school namin kasi malapit lang naman.

Pagkarating ko ro'n, naglinis na kami agad ng mga masisipag na kaklase ko. Ganu'n naman kasi ang ginagawa namin sa umaga at sa hapon bago umuwi.

Hanggang sa umabot na ng recess time, bumili kami sa canteen ng pagkain at bumalik ulit sa room namin. Napagkuwentuhan namin ang mga kababalaghang nangyayari sa school namin.

Kagaya na lamang ang teacher namin sa Filipino na papa ng kaibigan ko. Mabait siyang teacher, madali rin siyang pakiusapan. At kapag siya ang nagturo, marami ka talagang mapupulot na aral.

Ang nangyari nga lang kasi ay nagsimula siyang makaramdam ng kakaiba simula nang magputol sila ng kahoy sa may madilim na parte ng school namin. Marami kasing malalaking puno doon, may mga mangga, akasya, at iba pang malalaking puno na sinasabi ng mga matatanda na pwedeng bahay ng mga hindi nakikitang elemento.

Nang pinaputol ang mga iyon, doon na nga nagsimulang sumama ang pakiramdam ng teacher namin. Hindi na siya nakakapasok kasi laging nilalagnat.

Hanggang sa umabot pang hindi niya makilala ang mga kamag-anak niya. At base sa kwento ng anak niya na kaibigan ko, nag-iiba ang boses at anyo ng mukha niya minsan.

Doon na kami kinilabutan dahil hindi na namin alam kung bakit ganoon ang nangyari sa teacher namin.

"Prine-pray over naman nila si papa araw-araw. Pero hindi pa rin siya gumagaling," kuwento sa amin ni Caroline. Siya ang anak ng Filipino teacher namin. "At nu'ng isang araw na prine-pray over siya sa likod ng room ng Grade 7 at 8, pinicturan siya ni Ma'am Ana at kung makikita mo sa picture na naka-sideview si papa, may makikita ka talaga sa leeg niya."

Halos ayaw na naming ituloy ang pakikinig dahil sa takot. Marami na kasing bali-balita sa school namin na tungkol sa kababalaghan.

May mga nagsasabing dating libingan ang school namin, meron ding nakakakita ng mga multo o nakakatakot na mga pagpaparamdam. Kagaya ng papa ko, kapag nililibot niya ang school namin ng gabi para i-check kung may mga open doors o kung ano, may mga nagpaparamdam sa kanya o 'di kaya naman ay may mga nakikita siya.

Pero binabalewala namin iyon kasi kapag iniisip namin ang mga kababalaghan na iyon, sinasabi nilang tinatakot lang namin ang aming sarili.

"A-Ano 'yung nakita niyo sa leeg ni Sir Frederic?" tanong ko.

"Mukha ng isang babae na nakangiti," diretsong sagot ni Caroline na lalong nakapagpangilabot sa amin lalo na sa akin.

Nagpalinga-linga pa ako dahil sa sobrang takot na naramdaman ko. Halos hindi ko na makain-kain ang pagkain ko dahil sa panginginig sa takot.

Kung bakit kasi in-open pa ang topic na 'to?!

"Wahhh!!! Ayoko na!" sigaw ni Seleztina. Isa sa mga kaibigan ko. Anim kasi kaming magkakaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Life Line (One Shot Stories)Where stories live. Discover now