CHAPTER 29

73 14 0
                                    

Chapter 29

"Saan ka nanggaling?"

Ang seryosong muka ni Jovannie ang sumalubong saakin. Pero hindi ako nagpadala sa bad vibes nya. Kahit anong gawin nya ay masaya parin ako ngayon.

"San ka galing? Bakit hindi ka umuwi dito kagabi?" nakataas ang kilay na pag uulit na tanong Jovannie. Niyakap ko sya ng mahigpit saka ngumiti ng malapad. Sa sobrang higpit ng yakap ko sa kanya ay feeling ko nga hindi na sya makahinga pa.

"Ang saya saya ko ngayon!" tili ko pa habang tumatalon talon. Si Jovannie naman ay lumayo saakin, sumandal sa pinto at saka sinuklay ng daliri ang kanyang buhok.

"And why is that?" nakataas parin ang makapal nyang kilay habang nagtatanong saakin.

"Secret!" pagkasabi ko noon ay tumakbo na ako sa loob para maligo. Kailangan sy sobrang fresh na fresh ako mamaya kapag nagkita kaming dalawa. Hindi pwedeng dugyot ako sa paningin nya pero sabagay, kelan ba ako naging dugyot diba?

Yayayain ko si Zele na samahan ako para bisitahin si Elian sa restaurant na pinagtatrabahuhan nya. And paraan na rin yun para magkausap ulit kaming dalawa.

Hindi na ako magkandaugaga sa pagpili ng mga susuotin ko pagkatapos kong maligo. Excited na ako masyado. Naiblower ko na rin ang buhok, at nakapag lagay na ng kaunting pulbo at liptint. Hindi ko na kailangan mag make up. Maganda na naman ako.

Si Silvanna naman ay hindi ko na ulit nakikita. Saan na kaya napunta ang bruhang iyon! Kahit pa sabihing kayang kaya nga makipag away ay hindi ko parin maiwasang hindi mag alala sa kanya.

Halos dalawang oras rin ako sa loob ng kwarto at paglabas ko ay nadatnan kong naka upo sa sofa si Jovannie. Naka tingala at nakapikit na akala mo ay natutulog. Agad ko ring napansin ang pasa sa may gilid ng labi nya.

"Jov! Anong nangyari sayo?" tanong ko at dali daling nilapitan sya para usisain ang pasa nya sa gilid ng labi. Agad na tumingin ang natural na mapupungay nyang mata saakin at biglang ginulo ang nakaayos ko ng buhok.

"Sinuntok ako ng manliligaw mo. Parang gago, wag mo sasagutin yun ha." natatawang sabi nya. Sinuntok ng manliligaw ko? May manliligaw ba ako?

"Ha? Sinong manliligaw?" takang tanong ko dahil wala naman talagang nanliligaw saakin, dahil lalapit palang ang mga lalaki saakin ay hinaharang na nya!

"Si Madrid. Ang gagong iyon, hindi na talaga ako naaalala. Pasalamat sya at tinatamad akong gumanti kanina." umiiling iling nyang saad.

Si Zele? Bakit naman sya susuntukin ni Zele?

"Bakit ka naman nya sinuntok?"

"Maki pag break na daw ako sayo at layuan na kita dahil sa kanya ka lang daw. Bobo ba sya? Bakit ako makikipag break sayo?" sabay kaming natawa sa sinabi nya. Pero alam kong kahit tumatawa ang isang ito ay pikon na pikon na rin. Ayaw na ayaw talaga nya na magasgasan sya lalo na ang kanyang muka. Kahit sa trabaho ay hindi sya nagkakagalos sa muka.

"Oo nga, Jov. Ang bobo nya." umiiling iling na sabi ko at nagtawanan kaming dalawa na parang baliw. Mukang hindi na talaga maalala ni Zele si Jovannie.

Kaya ang gagong ito naman naka isip ng kalokohan, ganti daw sa pagsuntok sa kanya ni Zele.

Naligo lang si Jov ng mabilis saka nag aya na lumabas. Simple lang ang sinuot naming dalawa para hindi daw gaanong agaw pansin pero terno ang aming suot! Parehas kaming naka white shirt at black shorts naman ang akin. At ang sakanya ay khaki short. Parehas rin kaming naka shades. Bakit para naman kaming artista dito?

Paglabas namin sa building ay agaw pansin agad kaming dalawa ni Jov. Naka kapit ako sa braso nya at naka hilig sa kanyang balikat. Sana may media para naman mamaya ay nasa balita kami.

Ocean In Your EyesWhere stories live. Discover now