CHAPTER 5

203 12 2
                                    

Nagising ako sa matinding sikat ng araw. 7:30 am na at 8 ang class namin. Nagmamadali nakong maligo dahil babyahe pa ako. After maligo nagbihis nako kaagad, nagsuot lang ako ng pantalon and shirt. Bitbit ko ang tote bag ko, I also wear my favorite black shoes na bagay na bagay sa suot ko.

Napagdesisyunan ko na din na mag-ayos ng mukha ko light lang naman nilagay ko pero I looked so beautiful. Pagkatapos ko maglagay ng light make up, lumabas nako ng Kwarto ko hindi nako kumain doon nalang sa school cafeteria.

" Anak! Hindi ka ba sasabay samin kumain ng papa mo?" Sabi ni mama pagkakita niya saakin sa may pinto.

" Ah ma hindi na po malapit na mag 8 eh baka malate pako sa class ko major subject pa naman ang una ngayon. Doon nalang po ako sa cafeteria kakain ma pa" sabi ko at aalis na sana ng lumapit si papa sa akin at binigay ang isang sandwich.

" Oh ito kainin mo nalang sa daan para may laman yang tiyan mo, hindi kita mahahatid kasi pupunta mama mo sa palengke ngayon Nak" ani ni papa

" Nako okay lang papa, salamat sa tinapay! Una nako, B-bye mama papa " at umalis nako. Nagmamadali akong kumain sabay lakad papunta don sa may tricycle. Buti nalang isa nalang ang kulang para umalis na laking pasasalamat ko yun dahil hindi pako huli sa klase ko.

Pagkapasok ko sa room niyakap nako agad ng kaibigan kong si Vina.

"Huyyy Ashelle!!! Namiss kita!! "Sigaw niya sabay yakap sakin.

" Anyare sayo? Nagbakasyon ka lang ng isang linggo ganyan kana? "Tawa ko sa kanya.

Humiwalay nako sa yakap niya at pumunta sa upuan ko. Pagkaupo ko pa lang kinuha niya na ang bag ko

"Hoy ang ganda nito ah ang cute!! Saan mo nabili?" Tanong niya sa akin. Nakita kong binuksan niya ito at may kinuha sa loob ng bag ko

" Kaninong payong to?, Bat nagdadala kana ng payong? Hoy may bagong jowa ka girl?" Sunod sunod niyang tanong.

" Sakin malamang, aba bawal na ba ako magdala ng payong ngayon? Isang krimen ba yun para sakin ha Vina? At saka wala akong bagong jowa no. Hindi na muna ako papasok sa isang relasyon ngayon. Saka isang buwan nalang ggraduate na tayo. Kaya dapat na tayong magfocus don" sabi ko sa kanya.

" Dami mong sinasabi napakadefensive mo naman masyado. "Sabi niya at binalik na sa loob ng bag ko. " Mamaya punta tayo mall libre kita " sabi niya at pumunta na muna sa harap para makipag kwentuhan sa iba niya pang kaibigan.

Naiwan ako doon sa likod at tahimik na nag-aaral..we have quizzes pa kaya nakapagtataka dahil malapit naman na ang graduation pero nagpapaquiz pa ang mga professors namin..

5 minutes na ang lumipas pero wala pa rin ang prof namin. Napagdesisyunan ko na puntahan muna si Vina sa harapan.

" Pst Vina, wala ata si prof kanina pa dapat start yung class right? 8:05 na oh " sabi ko sa kanya sabay tingin sa relo ko.

" Hala oo nga no? First time niya ata na ma late ngayon ah. "Takang tanong niya din

" Puntahan kaya natin sa office niya? What do you think?" Suhestyon ko. Tumango siya at nagpaalam sa mga kaklase namin na kausap niya kanina.

Naglalakad na kami papunta sa office ni prof ng magsalita si Vina

" Ah Ashelle balita ko kasi, ano nalaman ko lang kanina sa kanila na May bagong jowa na daw ex mo " sabi niya. Tumingin ako sa kanya at inakbayan siya

" Ede congrats sa kanya kasi may bago na siya" sabi ko at nagpatuloy na maglakad

Nakarating na din kami sa wakas sa labas ng office ni sir. Pero ni isa sa amin walang kumakatok or pumapasok man lang

TWO BROKEN HEARTS (COMPLETED)Where stories live. Discover now