Prologo

82 6 4
                                    

Sabi nila, ang hirap daw ng wala kang maalala sa iyong nakaraan. Tama nga naman sila. Nguni't kung ako ang tatanungin, aanhin ko naman ang mga alaalang iyon kung hatid nito sa akin ay pawang kalungkutan? Mas mabuti na'ng gumawa ako ng mga panibagong masasayang alaala na siyang aking dadalhin sa hinaharap. Ayoko ng bumalik sa nakaraang kaya nga siguro ay aking nilimot dahil hatid nito ay puro pighati sa aking puso.

Nguni't paano kung ang mga alaalang ito ay ang siyang bubuo sa aking pagkatao? Ano ang pipiliin ko?

Ang hirap ng buhay ano? Kahit anong minuto ay kailangan mong mamili. Bawat minuto ay puno ng mga hakbang na kailangan ang iyong pagdedesisyon. At kung mali ang desisyong iyong magawa ay hindi ka na maaaring bumalik pa upang ito ay itama.

Siguro nga ay parte na ito ng buhay. Kaya't habang may pagkakataon ka pa upang mamili, piliin mo ang sa tingin mo ay tama. Piliin mo ang sa tingin mo ay siya mong kailangan. Piliin mo ang magpapasaya at magpapanatag sa'yo. Dahil maikli lamang ang buhay kaya't huwag nating sayangin ang bawat pagkakataon.

Ako na naman ito, si Aurora. At samahan niyo akong muli sa aking paglalakbay sa mundo ng Mageia.


MAGEIA Ikalawang Yugto: Ang Bagong Pag-asaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon