CAPITULO TREINTA: Leonel Villareal

638 37 26
                                    

MADILIM sa loob ng selda. Pinatong ni Jezel ang kaniyang baba sa tuhod at yinakap ang paa habang nakaupo sa maruming semento ng kulungan.

Nakatulala siya sa pader na nababahiran ng mga sariwang dugo. Senyales na may mga pinatay nang bilanggo bago pa siya ipasok roon.

Paulit-ulit niyang naririnig ang mga salitang  binitawan ni Leonel bago sila magka hiwalay.

"Ako...ako ang tunay na Gabriel Herrera at...n-nasa loob tayo ng librong sinulat mo..."

Kasabay ng mga salitang binigkas ni Leonel ay ang pagtulo ng kaniyang luha. Muling nag balik sakaniya ang ala-ala...mga ala-alang kalakip ng librong kinalalagyan niya.

Kunot noong napatulala sakaniya si Jezel, hindi alam ang sasabihin. Naguguluhan ang kaniyang isip.

"A-ano?" Tanong niya pa, animo'y hindi pumroseso sakaniyang isip ang narinig.

Napaigtad si Leonel dahil sa sakit ng kaniyang tagiliran na siyang natamaan ng bala. Agad siyang hinawakan ni Jezel sa braso at inalalayaan ito.

Nais pa sanang mag salita ni Leonel, nais niya pa sanang mag paliwanag ngunit  bigla silang nakarinig ng magkakasunod na putok ng baril sa likuran ng sinasakyan nilang kalesa.

"Mang Ernesto! Bilisan niyo may nakasunod!"  Sigaw ni Martin na siyang abala sa pag masid ng paligid upang maproteksyunan ang kanilang mga kalaban.

Nang bayaran siya ni Don Ramon upang patayin si Maestro Santiago, nais na sana niyang mag paka layo at mamuhay mag isa ngunit linamon siya ng konsensya ng malaman ang nangyari sa dalawang kasapi na pinarusahan ng kamatayan. Nang araw rin ng paglilitis ay pilit siyang hinahanap ni Don Ron upang kung sakaling may manlaglag sakaniya ay si Martin ang  ilalaglag nito. Walang alam sila Leonel sa nangyari kay Martin kung kaya't animo'y isang bakasyon lamang kung paano nila tignan ang kaniyang pag ka wala.

Yinakap ni Jezel si Leonel ng mahigpit. Malakas ang alog at halos paliparin ni Mang Ernesto ang kalesang kanilang sinasakyan upang makatakas.
Mabuti nalamang at hindi nababaril ang kabayo at gulong ng kalesa.

Napamura si Martin nang kalabitin niya ang gatilyo ng baril at napagtantong wala na siyang bala. Inabot sakaniya ni Mang Ernesto ang baril nito.

"May limang bala pa iyan!" Sigaw ng matanda. Agad tumayo si Martin at kumuha ng balanse upang mabaril ng sakto ang mga puntiryang sundalo.

Nangunguna sa hukbo si Gabriel Herrera. Iyon ang pinuntirya niya ngunit nakaiwas ang heneral at nabaril sa ulo ang kaniyang kabayo.

Muling bumaril si Martin. Napangisi siya nang umasinta ang bala sa dibdib ng isang sundalo at tumagos iyon sa dibdib rin ng sundalong nasa likod nito. Naka tumba siya ng dalawang tao sa isang bala.

"Leonel! Dito ka lang!"  Sigaw ni Jezel kay Leonel nang pilitin nitong tumayo

"Hindi...kailangan kong tumulong" wika niya at kinasa ang baril.

"Baka mapahamak ka!" Puno ng pangambang sambit ni Jezel at mahigpit na pinigilan ito.

Hinawakan ni Leonel ang kamay ni Jezel. Bagama't nanghihina siya ay ginawa niya pa rin ang lahat upang kumuha ng pwersa.

"Hindi ko nais maging pinuno lamang sa pagkakataong ito..." Wika niya at tumingin sa mga mata ni Jezel.

Nais niyang iparating na hindi niya nais maging pinuno...ang pinuno na naka upo lamang, pinuno na taga utos lamang, pinuno na pinoprotektahan lamang, pinuno na ihaharang ang mga tauhan para sa sariling kapakanan.

Paghilom ng puso [IKALAWANG SERYE]Where stories live. Discover now