80

103 6 0
                                    

Freyzelle S. Bernos

Eve :

Freyzelle, are you with Aki?

Freyzelle :

Tingin mo?

Ikaw ba nagpaiyak dito?

Eve :

Umiiyak siya? Bakit? 😂

Freyzelle :

Binasted mo raw siya, tapos nagtatanong ka pa. 🙄

Eve :

Hey, don't be mad at me, Freyzelle. Mag i-explain ako.

Freyzelle :

Sige, paano mo pinaiyak si Aki? Give me some tips.

Eve :

Pinuntahan niya ako rito kanina sa bahay. Nagtataka ako kung anong ginagawa niya rito kaya nagtanong ako.

Sa sobrang dami ng sinabi sa akin ni Aki, isang bagay lang ang pinaka tumatak sa isip ko.

Freyzelle :

Anoooooooooooooooo?????

Eve :

Umamin siya sa akin. Sinabi niyang mahal niya raw ako.

Freyzelle :

Sabi ko na eh. May tinatago talagang kalandian 'tong si Aki.

'Yon na siguro hidden talent niya.

Eve :

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kaya natulala muna ako sa kanya. Pagkatapos n'yon sinarado ko agad ang pinto, saka tumakbo papunta sa taas para maglabas ng kilig sandali.

Tapos n'yon nang balikan ko ulit si Aki sa labas ng bahay, bigla nalang siya nawala. Hinanap ko rin siya rito sa malapit sa amin, pero hindi ko na talaga siya nakita.

Freyzelle, nag chat na ako kay Aki, pero hindi niya pa nababasa mga messages ko dahil offline siya.

May hindi pa ako nasasabi sa kanya.

Freyzelle :

Nandito si Aki sa bahay, umiiyak siya ngayon sa akin.

And share ko na rin ang worst part. Para siyang tangang lumalaklak ng strawberry milk. Gusto ka na raw niya kalimutan, pero hindi niya alam kung saan umpisahan. 🙄

Eve :

Ganoon ba.

Freyzelle, sana okay lang na mag request sa'yo.

Freyzelle :

Ayos, lang. Alam ko rin namang para kay Aki 'yan.

Eve :

Sabihin mo kay Aki na mag open siya ngayon ng FB account niya ngayon.

Nag send ako sa kanya ng voice recorder. Kailangan niyang marinig 'yon ngayon.

Freyzelle :

Sasabihan ko siya.

Eve :

Thank you, Freyzelle.

Seen

Strawberry Milk Tea (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon