EX-GIRLFRIEND

30 3 0
                                    

Chapter 7.
"Tara doon tayo," nagulat nalang ako ng hinila ako ni Kiara papunta sa lamesa nila Brett.

Magpupumiglas na sana ako pero lalong hinigpitan ni Kiara ang paghawak sa akin, hanggang sa makarating na kami sa lamesa nila Brett.

"Oh! Kiara long time no see," tumayo ang babaeng katabi ni Brett kanina.

Binitawan muna ako saglit ni Kiara at nakipagbeso sa babae.

Tumayo rin ang ginang at nakipagbeso kay Kiara.

"You change a lot ija, you look more beautiful now," nakangiting sabi ng ginang.

Tinignan ko si Brett, nakatingin parin siya kay Clifford at sa babaeng kasama ni Clifford. Mukhang walang pake sa presensiya namin ni Kiara.

"Thank you tita," namumulang sabi ni Kiara, mukhang nahihiya pa 'ata.

Bumaling sa akin si Kiara at nilapitan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila malapit sa ginang at babae.

"Uhm, this is Leonora, nory for short. She's close friend of mine," pinakilala ako ni Kiara sa ginang at sa isang babae.

"Nice to meet you ija," tinignan ako ng ginang mula ulo hanggang paa at saka ngumiti.

"Hi, nice to meet you, I'm Celine," inilahad ng babae ang kamay niya sa akin para makipag-shake-hands. Tinanggap ko naman ito at nakipag shake hands din.

"It's my pleasure to meet you," malumanay kong sabi.

Inaya kami ng ginang na umupo muna saglit sa puwesto nila. Umupo naman kami ni Kiara, katabi ko si Kiara at sa kabila ay katabi ko ang ginang. Katapat ko naman si Brett na ngayon ay nilingon na kami.

"By the way this is my son, son do you still remember Kiara?" tanong ng ginang.

Tipid na tumango si Brett at tinignan ako.

"And this is Leonora, she's close friend of Kiara," dagdag ng ginang.

"I know her, she's my classmate," malamig na sabi ni Brett.

"Oh! Good to hear that, magkakilala na pala kayo," medyo nagulat pa ang ginang.

Tumingin ang ginang sa anak niya at pagkatapos ay tumingin din ito sa akin.

"Wala nang girlfriend itong anak ko," sabi ng ginang habang nakatingin sa akin.

Parang may ibang ibig sabihin ang mga tingin ng ginang sa akin. Awkward lang akong tumawa sa ginang at pagkatapos ay nag-iwas agad ng tingin.

Wait! Walang girlfriend si Brett? Ano yung sinabi niya sa akin nung isang araw? Joke-joke lang? It's a prank ganern? Nanliit ang mga mata ko, ibig sabihin nagsisinungaling lang siya kasi ayaw niya talaga sa akin.

That's his way of rejecting a girl!

"Mom, you don't have to say it, walang nagtatanong," tamad na sinabi ni Brett.

Malamig at seryoso ang mga tingin sa akin ni Brett kaya umiwas ako ng tingin, hindi ko matagalan ang mga titig niya sa akin.

May lumapit na ginang kay Mrs. Furie, kaibigan niya 'ata at tinatawag siya kaya nagpaalam siya sa amin na aalis muna siya.

Something Just Like ThisWhere stories live. Discover now