Chapter 1.1

13K 188 8
                                    

MARAHANG tinanggal ni Carylle ang suot na shades.  Ngayon ay hindi na maitatago ang pamumumula ng kanyang mga mata, hindi dahil sa alikabok at matinding sikat ng araw kundi dahil sa sari-saring emosyon na kanina pa niya gustong ibulalas kahit na nasa bus pa lang siya.  Ngunit alam niyang hindi manhid ang lalaking kaharap niya upang hindi siya mahalata.

She noticed the changes on Jude’s face and body. Medyo humpak ang magkabilang pisngi nito at mukhang napabayaan na ang tumubong balbas. There were dark rings below his chinky eyes.  His body was slimmer but the toned muscles were still evident. Wisps of hair were hanging on his forehead and nape.   But those  physical changes did not affect her  admiration on him. For her, he was still the most handsome and most appealing guy she ever met in her entire life. His new look only made him more manly in her eyes.

“They keep on asking about you,” she said calmly while her eyes were glued on his face.

 Jude heaved a deep sigh.  “They know me well, sweetheart. Kapag umalis ako, buwan ang bibilangin bago ako bumalik.”

“But not this time, Jude,” she managed to control the pain in her voice.  “You have gone for almost three months. You ceased to contact me, even your friends and family.”

“Alam mo namang may tinatapos ako,” may himig inis sa tinig ng lalaki. “Why can’t you understand my work?”

“Ang tagal naman ng isang iyan? Dati-rati ay nakakatapos ka ng isang story sa loob ng tatlong linggo o isang buwan, di ba?  I can’t understand why you have to stay here for a very long time.”

“This one is different, swetheart,” tila inis na pagpapaliwanag nito.  “I have to make it extraordinaire because I know that this one will give me a break.”

Oo nga pala, sa isip niya. Ang sinusulat ngayon ng kanyang kasintahan ay hindi isang horror novel na pang-pocket book lang. He was writing a script for a big-budgeted local movie that if lucky enough, will be shown also internationally.  Isang producer kasi ang nakapansin sa talent nito nang sunod-sunod na maging bestseller ang huling horror novels na sinulat nito.  And the price that was offered by the producer was something that couldn’t be refused.

But she knew that he was not after the money. He had his own business in Manila and its revenue was enough to make a decent living, aside from the fact that he also came from a well-off family.  Because if not, he would not be able to sustain the  expensive accommodation in this resort.

Hilig lang talaga ng binata ang pagsusulat. Kung kaya sa halip na nagpa-practice  ng kursong tinapos ay heto at nagsusumiksik ito sa daigdig ng pagsusulat ng mga kababalaghan at katatakutan.  Pero kungsabagay, papa lang naman nito ang may gusto ng kursong Accountancy sa dahilang ito ang inaasahang hahawak ng kanilang mga negosyo bilang nag-iisang lalaki sa tatlong magkakapatid.  Pero nang mabasa nito ang sariling kuwento na inilabas ng isang sikat na publishing company, hindi na napilit pa itong magtrabaho sa kumpanya sa halip ay nahumaling na nga ito sa pagsusulat.

Ngunit pagsusulat ng mga istoryang pampelikula talaga ang target nito.  Ginamit lang niyang stepping stone ang pagsusulat sa pocketbooks.  Aniya, pambabae lang daw ang linyang ito.

They were college sweetheart, at mag-aapat na taon na ang kanilang relasyon.  Kung kaya, kilalang-kilala na niya ang katipan.  Ang mga weaknesses nito, ang mga tantrums, ang mga likes and dislikes. Pero masasabi niya na nagtagal ang kanilang relasyon dahil na rin sa matinding love and patience na iniuukol niya dito.  Bilang isang alagad ng sining, talagang nahihirapan siya na pakibagayan ang naiibang ugali ng binata.

Pero aminado siya sa sarili na talagang mahal niya ito kung kaya nga ba kahit napakalayo ng Calatagan mula sa Ortigas kung saan nagtatrabaho siya bilang Senior Officer ng isang malaking call center agency ay nagtiyaga siyang magbiyahe via BLT. Pagdating naman sa bayan ay kinailangan pa niyang mag-arkila ng tricycle na maghahatid sa kanya  sa resort na ito, ang Ocean Enchantress Resort  na lubhang napakalayo sa kabayanan. Pero ang lahat ay kaya niyang tiisin alang-alang sa lalaking minamahal.

SA PULO NI SARA  (Maelstrom of Desire) Soon to be PublishedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz