Chapter 8

86 7 7
                                    


CHAPTER 8


HINDI makatingin si Azaleah kay James matapos nitong inumin ang kape dahil nahihiya siya. Pinilit niya nalang ang sarili niya na gumawa ng kape para rito pero napakapait pala sa panlasa nito.

Hindi niya alam kung bakit niya pinagtimpla ang asawa. Hell, ni hindi niya nga alam bakit niya ito pinagluto ng agahan. Siguro dahil kagabi ang isa sa mga gabing masarap ang tulog niya. Hindi niya maintindihan talaga ang sarili niya bakit siya nakakaramdam ng ganito gayong eto ang lalaking pumuwersa sa kanya.

Hindi siya dinalaw ng panaginip niya kagabi at parang naging blooming pa ata siya. Basta maganda ang gising niya kanina.

"Tsk." Hindi siya makapag-focus sa binabasa. Inaaral niya kasi ang kompanya ni James. Inaaral niya ang mga posibleng oportunidad sa kompanya nito na maaari niyang gamitin sa susunod.

Naisip niya na naman ang napag-usapan nila kagabi tungkol sa alam ng asawa niya ang tungkol sa pinaplano niya.

"This is strange. I don't what he's up to." Pagkausap niya sa sarili. Hindi niya masabi kung nagsasabi bai to ng totoo sa kanya o nilalaro lang nito ang isip niya. Pero kung ano man iyon dapat maging alerto siya. Tama. Ayun ang gagawin niya. Maging alerto.

She's not clinging into James later to act as a wife. Mayroon siyang rason para puntahan ang mga kaibigan nito.

Tumunog ang telepono niyang nakakonekta sa sekretarya. "What?"

"Mrs. Volkov, narito po si Mrs. Alvarez."

Nagtataka siya pero pinapasok niya ito. "Okay. Papasukin mo siya."

Tumayo siya sa swivel chair niya at nagtungo sa sofa kung saan parte ng opisina niya. "Good day, what brings you here, Mrs. Alvarez?"

"First, I want to congratulate you in your wedding."

Ngumiti siya. "Thank you. Have a seat." They both seated in the sofa.

"Mukhang naging success ang plano mo, Mrs. Volkov."

"Yeah. Nagsisimula na ang paghihiganti ko. Unti-unti ko ng isinasakatuparan ang mga planong nabuo ko."

Mrs. Alvarez' face turned into worried emotion. "Pero may mali, Mrs. Volkov."

"Ano iyon?"

"I just realized, 'yong video tape na pinagkuhaan ko bilang ebidensya, hindi siya galing sa idinevelop kong software."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"Nung isang araw pagkatapos kong malaman na ikinasal kana kay Mr. James Volkov, chineck kong maigi sa software ko kung may iba pa ba akong ebidensya na makukuha para matulungan ka. Pero zero access pa rin at walang history of access ang laman ng software ko. Ibig sabihin, may nagplanta ng video tape mo sa desktop ko."

Naguguluhan si Azaleah. "H-hindi ko maintindihan. Sinasabi mo bang si James mismo ang nagbigay sa'yo ng video tape na 'yon? Ang taong may gumawa sa akin ng kasalanan?"

"Hindi at oo." Sagot nito na nagpakunot noo sa kanya. "Hindi si James ang naglagay ng video tape na 'yan o kung sinomang hinihinalaan mong may kinalaman si James, at oo na ang nagbigay ng video tape ay ang taong may gumawa sa'yo ng kasalanan."

Nanlaki ang mga mata niya. "Sinasabi mo bang hindi si James ang gumawa ng kasalanan sa akin?"

"Come to think of it, Mrs. Volkov. Nung pinakita mo ba sa kanya ang video tape na 'yan, ano ang naging reaksyon niya?"

Naalala niya ang pagbitaw ni James sa cell phone nito na parang napaso ito. "nagulat siya. Nabitawan niya ang cell phone niya. Pero posibleng umaarte lang siya."

Troublemaker (COMPLETED)Where stories live. Discover now