Part 3/9

3.9K 105 1
                                    



"Bakit ganoon iyong isa sa mga kaibigan mo kanina? Alam mo kung ice cream lang talaga ako, kanina pa ako natunaw sa sobrang tingin niya."

Natawa lang si Raymond sa sinabi ko.

"Nakakatawa ba iyon? Nakakahurt na nga iyong friend mo. Halata naman kasing kinikilatis niya talaga ako."

"Sorry. Kasalanan ko."

"Huh?"

"I mean, kasalanan ko kasi hindi kita nasabihan about doon. Nakalimutan ko rin kasi eh." Natatawang sabi niya sabay kamot niya sa ulo. 

"Bakit? Suplado ba talaga siya?"

"Hindi naman. Pero ganoon na talaga si Vien.  Seryoso. Bihira mong makitang ngumingiti kaya aasahan mo pa bang madalas siyang magsalita?"

"Pipi siya?"

"HAHA. Hindi. Napakamahal lang talaga ang salita ng taong iyon. Kaya huwag mong isipin na ayaw niya sa'yo. Ganoon lang talaga siya pero mabait din talaga siya kapag makilala mo lang nang lubos."

Gabi na talaga ako nakauwi sa bahay.

Matutulog nasana ako nang magring ang cellphone ko.

 

Calling...

- Yves Ko <3



"Hello?"

"Hi. Nakaistorbo ba ako sa princess ko?"

"Hindi nuhh. Ano ginagawa mo?"

"Hawak si gitara. Tinatapos ko kasing gawin iyong own song composition ko."

"Wow naman! Astig ka talaga. Para saan naman?"

"Kakantahin ko para sa school program namin next month. Pinagpeperform kasi ako nina Ma'am."

"E di dapat may inspiration ka talaga diyan para maganda ang magawa mong kanta."

"Yup. Kaya nga para sa'yo itong binubuo kong kanta eh.  Sakto kasi monthsarry natin ang araw kung kailan ako kakanta. Kaya kahit wala ka man doon at hindi mo mapanood kasi sigurado naman may klase kayo nun, buong school naman ang makakarinig ng song ko para sa'yo."

"Halaaa naman siya oh. Kinikilig na ako! Haha."

"Mahal ko lang ang princess ko." 

"I love you, too."

Mayamaya, hindi ko na rin napigilang mapahikab. Pasado alas dose na kasi ng gabi. Narinig yata iyon ni Yves.

"Sige na princess, matulog ka na. Kakantahan na lang kita."

Ganyan ka-sweet ang boyfriend kong si Yves. 

Ganito kami every night na tatawagan niya ako.

Kapag inaantok na ako,  kinakantahan niya ako gamit ang gitara niya. Hindi niya pinapababa ang phone hanggang sa makatulog na ako. At kapag nakatulog na ako, siya na ang mag-eend ng call.

Napakaganda kasi talaga ng boses niya.

+++

Wala ang isa naming Subject Teacher kaya lumabas muna kami ng mga kaklase ko at pumunta sa canteen.

Biglang nagring ang phone ko.

Akala ko si Yves ang tumawag sa akin.

Calling...

Unknown Number



Sino naman 'to?

"Hello. Sino po sila?"

"Hi."

"Sino ito?"

"I just wanna ask if you and Raymond will come for a dinner tonight with us?"

"Ahh---huh? I don't know. He didn't mention that to me. Who's this, anyway?"

"Okay. Bye."

End of call.

Ahh okay. Bastusan lang? Baka isa iyon kina Adrian. Pero ang unfamiliar ng voice. Tumingin ulit ako sa cellphone ko.

1 message received

Pards Raymond: Zup, Yhanz? Wala kang gawin tonight?

Me: WaLa nman. Y?

Pards Raymond: They're inviting you for a dinner. So, puntahan na lang kita para sabay tayo pumunta. Paalam ka na sa boyfriend mo. Ingats!

Ahh. Hindi man lang ako tinanong kung pwede ako o hindi?Mga lalaki talaga ohh. Hard to spell.

+++

Sinundo na nga ako ni Raymond after ng class ko. Ibang restaurant naman ang pinuntahan namin ngayon.

Iyon daw talaga ang pinakapaborito nilang  restaurant. Iyon na nga daw ang tambayan nilang magbabarkada. Haneppp? Itong ganitong kasosyal na restaurant, tambayan lang? Ibang level talaga.

Samantalang kami ng mga kaibigan ko, sa Mcdo na nga lang, pahirapan pa mag-ambagan.

Palapit pa lang kami ni Raymond, sinalubong nila kami agad at isa-isa silang bumatisa akin.

Ano ba naman itong barkadahan nila! International na nga, mga pang-modelo pa ang itsura! Ako? Tapon! HAHA.

Si Christine nga lang na nag-iisang babae sa grupo nila, kapag nakita mo, nakakatomboy sa ganda.

Pumasok na kami sa resto. Pagdating namin sa isang reserved long table, mandoon na nakaupo si Vien Martin. Akala ko susungitan na naman niya ako pero...

"Hi..." Bati niya sa akin.



Teka...

Teka lang ...



Bakit familiar ang boses??

Pinay Meets Fil-Am Guy (Completed)Where stories live. Discover now