Jealousy

2.2K 40 18
                                    


Sunwon

Author's POV

Kakatapos lang ng practice nila at ngayon ay nagpapahinga na sila. Ang iba ay nakahilata sa sahig at ang iba nama'y nakaupo habang nagcecellphone o kung ano man yung ginagawa nila.

Sa kasalukuyan ay magkatabi sa isang gilid si Sunoo at Sunghoon, nag-uusap at nagtatawan. Walang nakakapansin na nanlilisik na ang mata ng isa nilang member kakatingin sa dalawa, kay Sunghoon specifically. Nandoon lang sya sa couch at tahimik na pinagmamasdan ang dalawa, kung paanong ang kamay ni Sunghoon ay pumupunta sa balikat at sa bewang ng isa.

Sayo ba 'yan para hawakan mo?

Gustong-gusto nyang pumunta sa kanila at paghiwalayin ang isa't-isat kaso di nya magawa. Una, bcs that's rude. Pangalawa naman ay kasama nila ang iba pang members, at magiging weird lang kung gagawin nya 'yon. Ni hindi nya din alam kung ba't ba sya nakakaramdam ng inis. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi nya din alam, basta ang alam nya lang ay ayaw nyang malalapitan ng iba si Sunoo, kahit members pa yan o staff o kahit sino man yan, dahil sa tingin nya, sya lang ang pwedeng lumapit kay Sunoo. Sya lang at wala ng iba. Selfish right? Di nya alam kung bakit sya nagiging ganyan. Bigla nalang isang araw nakaramdam sya ng kakaiba, nung nakita nya si Sunoo at si Heeseung na magkasama, nakaakbay si Heeseung sa isa at masaya silang nag-uusap. At, nakalagay din ang isa pang kamay ni Heeseung sa buhok ng binata, hinahawi-hawi ito habang nakatitig ng malalim sa binata na nagke-kwento ng storya sa kanya. Nung araw na yon, nung nakita nya yon, nainis sya, nasaktan at nagalit? Hindi nya alam kung anong pakiramdam yon pero isa lang sa tingin ko kung ano yon, Jealousy. Nagseselos sya. Bakit? Hindi nya din alam. Masyadong magulo para sa kanya. Nung una nga ay akala nya bad mood lang sya pero habang tumatagal, hindi na dahil sa mood nya.

Tumayo sya mula sa kinauupuan at lumapit sa dalawa, tumabi sya kay Sunoo at sinabing

"Anong pinaguusapan nyo?" biglaan nyang tanong na nagpagulat sa dalawa. Biglang napakapit si Sunoo kay Sunghoon at tinago ang kanyang muka sa dibdib nito na nagpatigil sa paggalaw ni Jungwon. Sobrang naiinis na sya. Masisiraan na ata sya ng ulo in less than a minute pero pinigilan nya, ayaw nyang gumawa ng eksena.

"Ginulat mo ko Jungwon ah!" sigaw ni Sunoo ng mapagtantong si Jungwon lang pala iyon.

"Sorry. Pero ano bang pinaguusapan nyo Sunoo hyung? Tawa kasi kayo ng tawa kanina pa. Gusto kong malaman"

"Ah wala yon Jungwon. Wala naman kaming-" naputol ang sasabihin ni Sunghoon ng magsalita si Jungwon.

"Ikaw ba si Sunoo?"

Nagulat naman silang dalawa sa inasta at sinagot ng nakababata. First time nilang makita si Jungwon na ganon, di nila alam kung dahil lang ba sa pagod o wala sa mood pero first time talaga yon.

"Okay. S-sorry" paghingi nya ng tawad at tinanguan lang sya ng isa.

"So ano na nga? Anong pinaguusapan nyo?" Tanong nya ulit ng medyo naiirita na.

"Haha high blood ka na naman Jungwon. Pero about lang sa mga nakakatawa" sagot ni Sunoo.

"Oh okay. Bumalik na tayo sa dorm, mag-gagabi nadin para makapagpahinga na tayong lahat" anunsyo ni Jungwon at tumango nalang silang lahat bilang sagot.

Lumabas na silang lahat mula sa building at pumunta sa parking lot. Pumasok sila sa kotse isa-isa. So bale, 2 yung kotse nila, yung sa isa ay apat ang uupo at sa isa naman ay tatlo. Yung sa isang kotse ay yung mga hyungs at sa isa naman yung mga maknaes.

Oneshots (En×Sun) | ✓Where stories live. Discover now