MDB Special Entry #143

81 4 1
                                    

March 21, 2015

Dear Lorenzo,

Thank you for everything. Thank you dahil sa loob ng dalawang taon ay naging magkaklase tayo, despite na hindi tayo ganun kaclose sa isa't-isa at naguusap. Thank you din dahil kahit once in a blue moon, pinapansin mo ako at tinatawag mo ako sa pangalan ko. :) you don't know how much you brought happiness to my heart.

I am sorry for everything na nagawa kong kasalanan sayo, if ever na meron. Sorry for the letter that I've sent to you a year ago. Alam kong humingi na ako ng paumanhin sayo nung nagopen forum din tayo dati pero it wasn't enough. Nagsisi ako na sinulat ko pa yun at binigay ko sayo. Alam kong nasaktan ka dun kahit di mo pinapakita. I didn't mean to hurt you. Gusto ko lang naman talaga kasi kita maging friend nun eh. Hindi ko alam kung anong nangyari bakit nagkaganun nalang. Ang awkward natin sa isa't-isa. Sorry din if hindi kita kayang malapitan at makausap man lang all these years. Ngayon na gagraduate na tayo, yun na siguro ang bagay na pinagsisisihan ko.

I care for you kasi classmate kita. Kasi awkward friend kita. Kasi importante ka sa akin. And most of all, espesyal ka sa buhay ko. :) Kung alam mo lang, sa lahat ng lalaking classmate natin, sayo ko lang nagagawang magsacrifice. Magpaalala ng mga bagay-bagay kahit na nung minsan ay mukhang nagalit ka pa ata. Sorry ah. Gusto ko lang naman kasi na mag-aral ka ng mabuti para sa future mo. At sa future natin. Joke lang. Haha. :D

And I love you. Oo! Ang manhid mo. Matagal na kitang gusto. Ay mali! Matagal na kitang mahal. Two years na akong nagtitiis sa one sided love. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kita nagustuhan. Kusa ko nalang siguro yun naramdaman. Nagising ako ng isang araw at bigla nalang tumibok yung puso ko sayo. Ikaw kasi eh. May nalalaman ka pang "it's complicated" ginugulo mo talaga ang aking isipan. Noon pa. Sana naman kahit ngayon, masabi mo na kung bakit ganun ang sinagot mo.

It's okay kung wala kang masabi dito. Atleast nasabi ko na lahat ng hinanakit ko sayo. Matagal ko ng kinikimkim ito, kung alam mo lang. Sana ay kahit papaano hindi mo ito baliwalain naman. Naalala ko yung binigyan kita ng corndog nun. And you know what, masakit sa kalooban ko na pinakain mo sa iba yun. Para tuloy ang impression sakin ay hindi ka marunong maging grateful sa mga binibigay sayo. Ako, minsan lang mag-effort sa mga bagay-bagay. Kasi yung effort na yun ay para sa taong sobrang special sakin at malapit sa heart ko. At ikaw ang una sa listahan. :)

I hope that someday, kung magtatagpo muli ang landas natin, hindi mo ako makakalimutan. Kasi ganun din ako. You made a great impact in my life and thankful ako kay God na nakilala kita in an unexpected way. Sana matupad lahat ng pangarap mo sa buhay. Ipagpapray kita. :) Alam mo naman I really care for our 'assumed family' sa room.

So hanggang dito nalang siguro.

Mahal kita. And I will miss you the most the moment that the graduation is finally over and off to our separate ways. ❤

Love,

Angela

My Dearest BestfriendWhere stories live. Discover now