Chapter 11

57 7 0
                                    


"Wow! What an amazing performance Grade 11 'Roaring Tiger'! " malakas na sigaw ng host pagkatapos namin mag perform ng Mass Dance, napuno naman ng malakas na hiyawan at palakpakan ang buong gym. Sabay sabay kami nag bow at isang masayang ngiti ang aming ginawad bago bumalik sa bleacher. Hinihingal na umupo ako pag balik sa pwesto, agad naman akong inabutan ni Dos ng tubig at bimpo para pamunas ng pawis.

"Thanks" sabi ko at umupo sa tabi nya. "Bakit ka nandito?" takang tanong ko, dapat kasi nasa stage sya naka upo dahil lahat ng representative ng Mr. & Ms. Intramurals ay nandoon, tapos itong isang to nandito sa bleacher kawawa tuloy si Dedeth siya lang walang ka-pares.

"Wala naman akong gagawin dun sa harap, masyado ng naka display mukha ko dun."

"Hangin!" asar na sabi ko, at pinukos ang tingin ko sa harap

Damn that confidence

Narinig ko ang halakhak nya at ginulo pa ang buhok ko buti na lang naka tirintas, hinarap ko sya at hinampas ang braso nya. Natapos ang last na nag perform na hindi ako nakapukos dahil sa kakulitan ni Dos, buti na lang hindi kami pinagalitan ng mga nanunuod.

Bago kami lumabas ng gym we took selfies kasama mga kaklase namin at naisipan namin na libutin ang campus dahil maraming booth ang na pweding puntahan. Sa grade namin naisip nila na photo booth ang ginawa namin.

"Hoy, kayong dalawa na parang mag jowa na hindi, akala nyo ba hindi ko napapansin naglalandian kayo dun sa bleacher kanina." salubong sa'min ni Mina ng makarating kami sa bench.

Pagkatapos kasi ng sayaw namin kanina pinatawag sya ng president nila sa dance troupe. "Itong si Dos lang naman ang malandi e." ngisi ko, umiling iling naman si Dos.

Pangalawang araw ng intramurals ay sports day, kasama kami ni Mina sa Volleyball team ng Grade 11. Nandito na kami ngayon sa field dahil outdoor ang laro ng volleyball.

Maraming nanunuod ng laro namin dahil ang kalaban namin ang Grade 12 dahil last year sila daw ang nag champion sa volleyball kaya ngayon expected na sila ulit ang mananalo. Pero hindi mag papatalo ang team namin na hindi man lang ininda ang mainit na sikat ng araw at seneryoso ang laro.

"Go, Alora!!" rinig kong sigaw ni Mina sabay palakpak ng kamay, natawa ako sa ginawa nya nasa labas kasi sya ng court dahil substitute sya. Pinukos ko ang atensyon ko sa pag serve ng bola.

"Congrats" bati ng Grade 12 habang nakikipag kamay kami sa kanila, panalo kami sa kanila pero hindi pa tapos dahil may championship pa.

"Halika na." sabay hila ni Mina sa kamay ko, nag mamadali kaming pumunta ng gym dahil manunuod kami ng basketball. Hindi ako mahilig manuod ng basketball pero dahil nandoon si Dos manunuod kami.

Malayo pa lang rinig na namin ang hiyawan at sigawan ng mga nanunuod sa gym. "Excuse me, padaan." sobrang daming nanunuod halos hindi na kami makakadaan pero dahil madiskarte si Mina nakapasok agad kami sa loob.

"Ayon sila Kate, halika." turo nya kina Kate na naka-upo sa pangalawang bleacher. Nang makarating kami sa pwesto nila Kate akala ko wala na kaming maupuan pero ng makita nya kami kinuha nya ang bag sa tabi nya at may space ng pweding upuan.

Binaling ko ang atensyon ko sa naglalaro, lahat sila magaling napag alaman ko na championship na at Grade 12 din ang kalaban nila. Nakita ko si Dos na seryoso na nag di-dribble ng bola, ang liksi ng mga galaw nya.

Pigil hininga ako ng mag last one minute na lang, mas lalo naging intense ang laban dahil nasa kalaban ang bola. 72/74 lamang ang Grade 12, sobrang bilis ng kilos ni Dos at inagaw ang bola parang biglang nag slowmo ang lahat ng biglang shinoot ni Dos at bigla itong pumasok, 3 points.

Aroma of Love (1st Game)COMPLETEDWhere stories live. Discover now