RANDOM THOUGHT

1 0 0
                                    


𒊹︎︎︎(:::errors ahead:::)
𒊹︎︎︎/p͟l͟a͟g͟r͟i͟a͟s͟m͟ i͟s͟ a͟ c͟r͟i͟m͟e͟/

Alam mo yung palabas na Mulan?
Alam mo parang tayo yun.

Mahal natin ang isa't isa
Pero tayo ang halimbawa
Nang pinag tagpo pero hindi tinadhana.

Mahilig ako sumugal sa kahit ano
Pero sa pagka kataong ito
Tama ba ang ipag patuloy ko ang sinimulan ko?

Isa lamang akong simpleng lupa
At ikaw ang langit na dapat kong tinitingala
Napaka layo ng agwat nating dalawa.

Kahit ano pa ang gawin nating dalawa
Na solusyon upang tayo'y magsama
Hindi parin tayo pahihintulutan ng tadhana.

Dahil ikaw ay dapat umupo sa trono
Kasama ng dapat na kabiyak mo
Habang ako, nakayuko at nakaluhod sainyo.

Kaya isasantabi ko
Ang damdamin ko para sayo
At gagawin ang tungkulin ko, na protektahan kayo.

Mahal kita
Pero hindi sapat ang salita
Upang magsama tayong dalawa.

_________________________________

POEMS Where stories live. Discover now