30

1.7K 37 6
                                    

–SKY–

Hindi ko alam kung sinaniban ba si Jia ng masamang espiritu. Kung ano-ano na kasing sinasabi.

Binuhat ko siya at mamaya-maya lang, tinatanong niya kung pano kung nainlove siya sakin.

Hindi ko talaga alam ang isasagot ko, bestfriend ko siya at ayoko siyang masaktan pero kahit ano namang gawin ko alam kong masasaktan ko siya. Ewan. Minsan na rin tumibok puso ko para sakanya. Hindi ko nga alam kung bakit ko niligawan si Jerane, hindi naman tumibok puso ko sakanya, kay Jia lang. Gago na ba ang labas nun?

Oo. Seryoso. Mga limang beses din ata yun? Mas lalo na nung nasa tagaytay kami, yung kiss na yun? Shit. Halos hindi na ako makatulog nun. Ewan ko, basta pag na-iisip kong si Jia yung first kiss ko...

First kiss ba yun? First kiss yun. Oo. Grabe talaga yung kaba ko. Minsan lang din tumitibok yung puso ko pag naaalala ko si Jia.

Mas lalo na nung nag kita kami sa Mall? Kami nila Candy? Hindi ko talaga siya nakilala nun. Pero naramdaman kong si Jia yun. Nag kukunwari lang ako na hindi ko alam. Hindi ko nga alam na ganun siya kaganda talaga pag inayusan. Kung ganun lang siya dati pa, siguro..... Alam niyo na.

Isa pa, ayokong masira friendship namin pero friendship nalang ba talaga ngayon ang mahalaga sakin at hindi yung nararamdaman ni Jia? Kung meron man.
Para kasing nararamdaman ko e.Nakakaramdam ako.
Hashtag Team SkIa? Halatado naman.
Alam ko na yan.

Naloko nga din ako noon e, nasa tagaytay kami. Nung hinila ko si Jia at napaupo siya sa Lap ko? Kinabahan ako nun. Natulak ko siya. Pumasok ako sa kwarto ko pero hindi parin tumitigil tibok ng puso ko.

Pagkatapos nun ewan. Kumuha ako ng papel at ballpen.

Paulit-ulit ko lang sinusulat yung Sky + Jia hanggang sa nakabuo ako ng SkIa? Oo ganun din nga e. Nakakatawa no?

Di ko masasabi na mag gusto ako sakanya mas lalo nang kami na ni Jerane.

–JIA–

"May tiwala ako sayo Jia. Ayokong masira friendship natin.

Hindi ka naman ma-i-inlove sakin diba?"

*dug dug*

*dug dug*

*dug dug*

Masakit. May tiwala ka sakin? Aray ko naman.

Tinignan niya ako, iniwas ko yung tingin ko sakanya at tinanggal ko na yung dalawang kamay kong nakahawak sakanya.

"Hahahha. P-pano ako maiinlove sayo? Hahahahha. Hindi ah... Kahit gwapo ka. Hindi na ako maiinlove sayo"

What the hell? Hindi NA ako maiinlove sayo? Oo e. Inlove na nga ako sakanya.

"Na?!" Punyetttsss lang. Hindi lang pala ako ang nakapansin sa sinabi ko. Malamang siya yung kausap ko.

"Ha? May sinabi ba akong Na?"

"Oo. Meron."

"Wala yun. K?!" Hinawakan niya kamay ko at hinila niya ako hanggang makarating kami sa harap ng isang shop ng teddy bears. May bukas pa pala na Teddy Bear shop ng ganitong oras?

"Bibilhan nalang kita ng Teddy Bear. Para naman kahit hindi mo ako kasama. Parang kasama mo narin ako."

:">

Kinikilig nanaman ako. Enebe! Kanina lang nasasaktan ako sa mga sinasabi mo. Nakakainis ka talaga Sky.

"Dito ka lang!" Tinignan ko siya at pinanliitan ng mata.

"Kala ko bibili TAYO? Bakit mo ako iiwan dito?"

"Ako na ang pipili para sayo."

Bago pa ako makasagot o magreklamo. Pumasok na siya.

After 10 minutes lumabas na siya at may hawak na teddy bear na malaki.

"Ang tagal mo huh?"

"Syempre. Pumili ako ng maganda e."
Binigay niya sakin yung kulay blue na teddy bear at may nakita din akong isang medyo malaki na nakabalot.

"Thank you pala at yang isang ya—"

"Para kay Jerane" Sige. Bigti na Friend. Ito nanaman. Nakakaselos ._.

Bat ka naman daw kasi mag seselos Jia? Diba diba? Binigyan ka din naman niya.
Eeehhhh... Pero yung puso niya? Binigay niya ba sayo? Hindi. Kay Jerane? Oo.

Nung makarating na kami sa harap ng bahay namin nag stop lang kami ng saglit para mag sabihan ng bye.

"Bye."

"Thank you pala sa teddy bear na to."

"Welcome :)" Ngumiti siya at tumalikod na sakin. Humakbang siya ng ilang steps.

*dug dug*

*dug dug*

*dug dug*

"Ahhh. Sky" Lumingon siya at bumalik sa harap ko.

"Ano yun? Sasamahan pa ba kita sa bahay niyo?"

"Che! Ang lapit na nga. Sasamahan mo pa ako?"

"Bakit nga? Bakit mo ako tinawag?"

*dug dug*

*dug dug*

*dug dug*

Kailangan ko din sabihin to para sa ikabubuti ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap niya din ako.

"To naman, Jia? Na-miss mo ata agad ako? Makayakap wagas? Mag kikita pa tayo bukas at tignan mo nga ohhh. Yung kwarto natin, magkatapat lang. Pwede mo rin buksan yung bintana mo at mag usap tayo" Napaluha ako at pinunasan ko kaagad ito. Shems naman... Ito nanaman ako..

"May girlfriend ka na Sky. Siguro nga, bibigyan ko muna kayo ng space... Aalis muna ako i mean. Hindi muna kita lalapitan. Para naman mas marealize mo na....." Para naman mas marealize mo na mamimiss mo ako pag wala ako sa tabi mo.

"Para naman mas marealize mo na mahal na mahal mo talaga si Jerane.

Wag kang aasa Sky na minsan lalapitan pa kita. Na minsan pag bubuksan pa kita ng bintana para lang mag-usap tayo" Mas niyakap ko pa siya ng mahigpit.

"Thank you ahhhh" Yan lang ang nasabi kong huling salita. Tinignan ko siya, ngumiti naman siya sakin. Ngumiti din ako sakanya at tumakbo ako palayo sakanya.

Bakit ko ginagawa to?!
Mahal kasi kita at kaya kong ibigay lahat ng gusto mo. Makita lang kitang masaya, masaya na rin ako.

Falling in Love with My BestfriendWhere stories live. Discover now