Chapter 49

28 0 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 49: Okay

Nagising ako dahil sa ingay na nangagaling sa labas ng pinto ng kwarto na tinutuluyan namin ni Dorothy. Sinilip ko ang katabi pero wala na ito kaya agad kumunot ang noo ko. Saan naman iyon nagpunta.

Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table at tinignan ang oras. Kaka- alas siyete palang pero bumangon na rin ako at lumabas ng kwarto. Mas lumakas ang ingay doon. Dumiretso ako sa banyo upang makapaghilamos at makapag-toothbrush. Nadaanan ko pa ang kwarto ni Romie na bukas na noong papanhik ako sa baba. Wala naman tao doon.

Naabutan ko si Dorothy na nakaupo na sa dining table at kumakain, hinahandaan pa siya ni Mama Arcy. Sila lang ang naroon pero ang lakas ng boses nila? Well, si Mama Arcy iyan, eh.

"Good morning, po," bati ko kay Mama Arcy nang makalapit ako. Humalik ako sa ulo ni Dorothy, "You're up early, huh."

She looked at me while chewing and she nodded.

"Kumatok sa pinto ni Romie kaninang alas sais, nagugutom raw. Eh nasaktuhan naman na palabas na rin ako ng kwarto," ani Mama Arcy.

Tumango ako, "Nasan po pala si Romie?"

"Bibili raw ng kape."

Kumunot ang noo ko, "Kape, bakit wala po ba tayong kape diyan, Mama Arcy?"

Umiling siya at tumawa, "Lumandi lang iyon sa coffee shop."

At parang narinig niya nga na pinaguusapan namin siya dahil tuamabad siya agad sa pinto.

"Hello, good morning, everyone!" Aniya sabay wagayway sa hawak niyang kape.

"Sabi ni Mama Arcy may kape naman tayo dito, bakit nag-coffee shop ka pa?" Tanong ko nang makaupo sa tabi ni Dorothy.

"Well, true. May kape tayo dito pero walang baristang gwapo."

Napailing nalang ako at nagsimulang sumandok ng pagkain.

"Mama, water please," ani Dorothy.

"Me na," sabi ni Romie ng papatayo ako. Dumiretso naman siya sa ref.

"Luke warm lang," ani ko.

Sinarado niya ang ref at pasimpleng umirap, "Arte."

"Anong plano niyo ngayong araw?" Si Mama Arcy.

Tumikhim ako, "Sa bahay po yata nina Archaelus. Nag-iimbita raw po kasi nina Mrs. Demetriou."

"Oh? Buti naman. Matagal-tagal ko na rin hindi nakita iyang si Emersyn at Bell. Napakadalas dati dumalaw kay Dorothy dito. Ikumusta mo ako, ha?"

Tumango ako at ngumiti.

"Ano iyon? Meet the parents nanaman kayo?"

Umiling ako at hindi na siya pinansin.

Nagtext sa akin si Archaelus na bandang alas diez niya kami susunduin kaya naman matapos ang umagahan ay pinaliguan ko na si Dorothy.

"Mama, are we going out?" Tanong niya habang shina-shampoo ko ang ulo niya.

Ngumiti ako, "Yes, baby."

"Where? Mall?"

Umiling ako, "We're meeting some people, baby."

She pursed her lip and raised her brows, "Who?"

Dorothy is the most curious child I know, she will ask questions every chance she gets, lahat ng mga bagay ay tinatanong. Makulit, yes, but I was never annoyed. I love that she is curious about the things around her, she may not understand everything yet but I know one day she will. Matalinong bata ang anak ko at sobrang daldal.

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon