Chapter 16

51 2 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 16: Fetish

Sa nagdaang tatlong araw, sinubukan kong iwasan si Archaelus, sa tuwing may kailangang ibigay sa kanya, ilalapag ko lang iyon sa kanyang mesa at aalis na. Kapag may itatanong siya, sasagot ako ng tipid. Whenever he ask me to eat lunch with him, gumagawa ako ng mga palusot. It's obvious that I'm avoiding him.

Nakatulong na rin yung naging busy kami, siya sa mga meetings na pinupuntahan niya at ako naman sa mga files na kailangan review-hin.

Nakita ko rin iyong mga pinost ni Racella sa kanyang instagram nung nagpa-dinner iyong mama niya, all of her pictures was with Archaelus and his family, no wonder puro great couple! ang laman ng comment section niya.

She never confirmed nor denied, kahit siguro alam naman niyang hindi sila or baka akala niya. Ay, ewan ko. Not that I care. But who am I kidding? Everytime I avoid Archaelus, I can feel his deep stares, parang gusto niyang kumontra o magtanong pero pinipigilan ang sarili, his jaw clenches and he sigh so deep.

"Kain?" Nilingon ko ang dumungaw sa aking pinto, it's Rondrix. Nilingon ko ang oras sa aking relo, it's 12:04. Lunch break na pala.

Tumango ako at ngumiti, I put the computers on sleep bago naglakad palabas.

"Nandon na si Rommel, nauna na." Aniya.

"Wag na wag mong ipaparinig kay Romie na tinatawag mo siyang Rommel, maghahalo at balat sa tinalupan." sabi ko habang tumatawa.

Naglalakad kami sa hallway ng makasalubong namin si Archaelus. Kalalabas niya sa kanyang opisina at nasa likuran niya ang isang babaeng naka mini dress ng pula. Her hair was fixed with light big curls and she's wearing a light make up. Maganda siya.

"Kale!" Tawag niya bago isinukbit ang braso kay Archaelus.

"Sir," bati ni Rondrix ng matapat kami sa kanila.

"Baltazar." Mariin niyang bati pabalik. Tinignan niya ako ng matalim, "Leonora," he called my name like I'm a criminal. Parang ang laki ng kasalanan ko.

"S-Sir..." mahina kong bati bago nag-iwas ng tingin. I can't take the look that he's giving me. It pierces right through me.

"Out for a lunch?" Tanong niyang muli kay Rondrix.

"Yes, Sir. Pero sa lounge lang po."

"Oh, I see." Sagot niya.

"Okay. C'mon Kale, I'm hungry." sabi nung kasama niya.

Tinitigan niya ako habang tumatango, "Let's go, Mariana." Nauna siyang naglakad paalis. Hinabol siya nung Mariana at muling sinukbit ang kamay sa braso ni Archaelus.

I was busy watching them walk away when Rondrix snapped his fingers in front of my face, "Tunaw na sila." Aniya.

Umiling ako, "Tara na nga." Nauna akong naglakad papunta sa lounge.

Yun pala yung Mariana, yung may personal business kay Archaelus. Ano naman kayang business iyon?

"Anong meron?" Tanong niya. Nasa gilid ko na siya.

"Wala." Pumasok ako sa lounge at dumiretso sa buffet. Kumuha ako ng pagkain at pumwesto agad sa tabi ni Romie.

"Anong meron?" Tanong niya ng makaupo ako. Naiwan pa si Rondrix sa may buffet.

"Wala nga!" Inis kong sagot.

"Chill, may regla ka ba? Bigla ka nalang sumasabog diyan." Natatawa niyang sabi.

Tumikhim ako, "Sorry.."

"Keri." Sagot niya at kinausap na si Rondrix ka kauupo lang.

Sa buong lunch hindi ako umimik. Saan kaya kumain si Archaelus at Mariana? Dinala rin kaya niya iyon sa kanila sa Tagaytay? Girlfriend niya kaya? Nililigiwan? I don't know what the hell is wrong with me but I can't stop thinking about it! I'm so frustrated. Hindi ko alam kung bakit.

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon