T W E N T Y - F O U R

4K 147 17
                                    

“Wow, mahal ko! Ang yaman pala talaga ng asawa mo, ah! Exclusive ang bahay! Siguradong safe na safe ka rito!” Bulalas ni Lucas.

We’re on our way towards Philip’s house. Papasok kami sa munting kweba na daanan papasok sa bahay ni Philip.

I smiled. I can see how amazed he was with everything that he’s seeing. Nakaawang pa ang mapupula niyang labi habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. I can see how his eyes sparkle in amazement. Para siyang batang ngayon lang nakakita nang ganitong klaseng bahay.

“Yep. Walang pwede pumasok dito maliban sa mga malalapit kay Philip,” saad ko.

Nilingon niya ako. “Eh, bakit mo ako papapasukin? Eh, bawal pala ako rito, eh. Baka kasuhan pa ako ng asawa mo kung sakali na sumama ako sayo sa loob—” He stopped. “Ay, teka! Baka may alert pass itong lugar na ‘to, ha?”

My forehead creased. Alert pass?

“Alert pass? What’s that?” Ngayon ko lang iyan narinig, ah.

“Alert pass! Iyong ano! Iyong kapag papasok tayo sa exclusive na lugar, may lights na dumadaan sa katawan natin. Parang ano… color green. Tapos kapag hindi tayo kilala ng computer magiging pula ang kulay tapos mag-a-alert na parang sirena ng pulis! Ganon!”

May ganoon?

“Saan mo naman nakuha ang ideyang iyan? Walang ganyan dito sa bahay ni Philip. What we have are securities. Iyong mga iyan…” I pointed at the two men in black standing at the gate of Philip’s house. “They looked simple, yes. Pero malalakas at magagaling ang mga iyan. No one was able to enter this place dahil sa dalawang iyan. They’re trained.”

Bumalatay ang kaba sa gwapo niyang mukha. “Eh, bakit mo ‘ko papapasukin? Pa’no kung bugbugin ako ng mga iyan? Edi, yari ako!”

I laughed. “Don’t worry. We can bring anyone here. As long as we can trust them.”

“Talaga? Edi, pinagkakatiwalaan mo ‘ko ganon?” He asked. His lips are a bit pouting.

I immediately nodded. “Yep! Kaya you shouldn’t break my trust on you, Luc. Or… malalagot ka sa securities.”

“Tsk. Sa gwapo kong ‘to, mukha ba akong gagawa ng masama?”

I laughed. “Gwapo ka nga. Abnoy naman!”

“Hoy! Ang sama mo sa akin, mahal ko!” Tumalikod siya sa akin saka humarap sa bintana habang nakahalukipkip. “Bahala ka nga diyan!”

As soon as we reached the garage of the house, I immediately stopped the car.

“Wow! Grabe, mahal ko! Akala ko maliit ang bahay na ‘to! Maliit lang pala kung titingnan sa malayo!” Lumingon-lingon siya sa paligid. “Wow, grabe! Para akong nasa ibang bansa, mahal ko! Ang ganda!”

I chuckled. I unlocked the door beside him saka binuksan iyon. Agad naman siyang lumabas kaya binuksan ko na rin ang pintuan na nasa tabi ko saka lumabas na rin at sumunod sa kanya.

“Wow, mahal ko! Ano iyong isang iyon? Bakit nakahiwalay sa bahay?” tanong niya saka itinuro ang maliit na bahay na nasa di kalayuan.

“Oh… uhm… I don’t know either. Pero iyan ang palagi kong tinatambayan kapag nagbabasa ako. Mahangin kasi diyan kesa dito,” sagot ko.

Napatakbo siya sa malapit sa may fish pond. “Hala, mahal ko! Ang daming isda! Ihawin natin!” Bulalas niya.

Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. “Hindi iyan iniihaw. Inaalagaan iyan ni Philip.”

“Ah talaga? Kakaiba naman pala iyang asawa mo, eh. Isda ang alaga.”

“Oh, halika na. Pasok na tayo sa loob.” Hinila ko na siya papasok dahil mukhang wala yata siyang planong pumasok at naglalaway lang na nakatanghod sa mga isda.

Heart in Disguise (Heart Series #2)Where stories live. Discover now