66

103 6 0
                                    

Monday morning, I was just writing an update for my story when the door bells. I opened it and curiosity filled my mind when I saw a delivery guy standing there, carrying a human size teddy bear, box of chocolate, two box of pizza and a milkshake?

"Bakit po?" tanong ko dito. Baka namali ito ng direksyon.

"Kayo po ba si Hershey Denise Delos Reyes?" tanong din nito at marahang binaba saglit ang mga dala.

"Opo, bakit po?"

"May nagpadala po nito, Ma'am, pakipirmahan nalang po ito." Inabot niya sa akin ang dala niyang papel na kailangang papirmahan.

"Kanino ho ba galing 'yan?" tanong ko habang pinipirmahan na 'yon. "Wala na po ba akong babayaran d'yan?"

"Wala na po ma'am, at sa suitor niyo raw po galing," aniya at saka umalis.

"Suitor?"

Natigilan ako. "Posible bang.. si Raphael ang nagpadala nito?" pagkakausap ko sa aking sarili.

"Yeap, it was me." Gulat kong nilingon ang lalaking nasa harapan ko na pala.

Si Raphael!

"A-anong ginagawa mo dito? At bakit.. bakit ka nagpadala nito?" utal utal kong sabi habang nakatitig sa mukha niya.

Maraming nagbago sa kaniya. He's much matured now and a good looking man.

"Sinabi mo na gusto mo ng donuts at milkshake diba? Dinagdagan ko na rin ng teddy bear, chocolate at pizza." Ngumisi ito. "Ngayon, siguro naman pinapayagan mo na akong manligaw?"

I bit my lips. "A-ano pa nga bang magagawa ko.."

A smile formed on his lips. "Then get ready, bubusugin kita ng pagmamahal ko."

Hater in Love ✓Where stories live. Discover now