"Ang ganda ng ngiti ng anak ko. May good news ba?"
Pinanood kong magluto si Mama mula sa kabilang linya. Alas-onse na roon ng gabi, samantalang alas kuwatro na sa Pilipinas.
It's already late pero ngayon pa lang siya kakain. Ako ay maaga lang nagising kaya naisipang mag-aral para sa finals.
Hindi pa ako ready for the last sem although excited akong matapos ang first year sa SHS. Masiyadong naging mabilis ang discussion namin sa midterms dahil hinahabol namin ang supposedly year-end namin.
"Masaya lang, Ma," sagot ko sa nauna niyang tanong.
"At ano ang dahilan?" Umupo siya at isinandal ang cellphone sa kung ano para mapanood ko siyang kumain.
Sandali akong huminto sa pagsusulat at nagpakain sa tuwa ng puso.
"I have a lot of friends. Sobrang saya lang ng puso ko. I know that I can be the hardest person to deal with for others, pero akalain mo 'yon? May mga kaibigan akong nakakasama ko ngayon. Isa lang ang hiniling ko noon, but God gave me five."
Pakiwari'y ko hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang nagsasalita. Pati tuloy si Mama ay gumuhit ang labi sa tuwa. Parang gusto niya pang maiyak.
"Sino ang nagsabi sa 'yong mahirap ka pakisamahan, aber?" tanong niya.
Kumalumbaba ako at pinagsantabi na muna ang ginagawa. "I just feel that way, Ma. Kasi old-fashioned akong tao sabi ng iba, 'yon bang hindi makasabay sa mga bago. Maybe because I have my priorities lined up, so mahirap makahanap ng mga taong maiintindihan ako. Gets mo, Ma?
Dahan-dahan siyang tumango habang ngumunguya. "Kuha ko," aniya nang maintindihan ang gusto kong iparating. "I'm sorry, anak."
Natahimik ako pansamantala dahil sa sinabi niya. Binalikan ko ang mga sinabi ko kung may masama ba akong nabanggit. Why is she saying sorry out of the sudden?
"Ma, para saan ang sorry mo?" Nanlambing ako.
"Nakasasabay ka sana sa mga kaedaran mo at mas nakakapag-enjoy kung hindi ko lang ipinasa sa 'yo ang mga responsibilidad ko."
Her tone screams guilt at hindi ko 'yon gusto. "Lagi ko naman sinasabi sa 'yo, 'di ba? Naiintindihan ko lahat. Wala akong kahit anong tampo, sama ng loob, o galit sa 'yo. You don't need to say sorry."
Ilang segundo kaming natahimik at nagtitigan lang. Ako na ang nagsalita ulit dahil parang maiiyak na talaga siya.
"Summer diyan, Ma?" usisa ko.
Uminom siya ng tubig at iniligpit ang mga kubyertos sa harapan na humaharang sa camera.
"Oo, summer na dito, nak."
Nagtataka akong tumango. Kung summer doon, bakit ang kapal ng suot niya? Balita ko ay matindi ang init sa Kuwait tuwing summer. And knowing my Mother, mahina siya sa init. I can actually see beads of sweat on her forehead.
"Bakit balot na balot ka? Ako ang iniinit sa 'yo," biro ko.
Tinapos niya ang ginagawa at tinignan ang sarili na animo'y noon niya lang napagtanto ang suot.
She shortly beamed. "Malamig kasi ang aircon dito. Nasanay na lang si Mama."
Kung sabagay. Sa moist pa lang ng bintana, mukhang malamig nga sa loob.
"Kamusta ang nga estudiyante mo? Mababait na ba?"
Babalik sana si Mama sa upuan nang biglaan ay may narinig akong kalampag. Kinuha niya ang cellphone mula sa lamesa. Nag-alala naman akong napaayos ng upo.
"Is everything okay, Ma? Saan nanggaling 'yung tunog?"
"Anak, ibababa ko na ang tawag. Titignan ko kung anong nalaglag," aniya.

YOU ARE READING
Beyond the Horizon | Academy Series #2
RomanceMadali lang matagpuan ng mga mata ang abot-tanaw. Sa paningin ng karamihan, isa lang itong guhit-tagpuan. It's the line where the sky and the sea meets. It is the thread that divides what's above and what's beneath. But for Prim, it only seems a on...