Late night walks and dates at the riverside; morning roadtrips on his bicycle and suppressed laughters inside the library—All days, bad and good, are worth remembering because I shared them with him. Ang sarap balikan ng lahat ng nangyari sa buong taon.
Nakakaaliw isipin. The year started with us simply knowing each other and it is ending with us staring deeply at each other's eyes. Na kahit walang bigkasin ang bibig, nababasa namin ang nararamdaman at ang gustong ipahiwatig.
Pinutol ko ang tali na pumipigil sa akin maging malaya. I cut people out of my life because they handed me scissors. May mga pinapasok ako dahil naibigay nila ang sapat na rason para hayaan ko silang maging parte ng buhay ko.
Aamin kong minsan, naguguluhan ako sa konsepto ng kung anong meron kami ni Idris. Noon naman, hindi ko iniisip ang mga label, label na 'yan. Nitong mga nakaraang araw lang iyon sumagi sa isip ko. Nape-pressure ako sa sinasabi ng mga tao. Na kung mahal mo ang isang tao, why can't you put a label on your relationship? Pero iba pa rin ang tingin ko ro'n.
Ang iniisip ko, kung si Idris nga ay walang binabanggit tungkol sa kung ano kami, anong karapatan ng ibang tao kuwestyunin ang namamagitan sa amin? May ilang may label nga ang relasyon pero naglolokohan lang.
Natuto akong gumuhit ng linya. He taught me something that I can not learn from books. Iyon ang huwag makinig sa iba. Hanggat tangan namin ang isa't isa, ayos kami.
Our relationship can go on without that, but I know he deserves more than what I'm giving right now. Wala akong ibang pagbibigyan no'n kung hindi siya, pero hindi muna ngayon.
"Romantic movies taught me sweet little things . . . butterfly dancing inside me. Love stories made me crave for a kiss, but just one hug from you makes me see..." Nakangiting sinimulan ni Idris ang pagkanta.
"That long, cold nights with your soft, warm hands . . . the humid air that keeps blowing your hair, the kiss of the sun on your rosy skin and the rays on your eyes with a touch of green . . . Oh, baby, you look too good for a sweet sixteen."
I smiled at the fact that he start writing this song only when he first saw me during enrollment day. Hindi ko nga siya napansin noon.
"Cupid must be living on your lips, the tint of peach on it makes me see... that short, noon talks with my hands on yours and your eyes on me as we sing this song . . . Wild seventeen, sweet sixteen equals two, me and you."
Huminto siya sa pagstrum ng gitara kaya pinandilatan ko ito. "Why did you stop?"
"Alam mo ba kung bakit hindi ko 'to matapos?" tanong niya.
"Bakit?"
"Nakukulangan ako." Kinalabit niyang muli ang string ng gitara pero mahina lang.
"Puwede mo naman gawin na ngayon, dagdagan mo." Kinuha ko ang papel at ballpen. Inabot ko sa kaniya. Ibinigay niya naman sa akin pabalik.
"Kaya kong gumawa pero gusto ko perspective mo 'yon." Pumungay ang mata niya sa akin. "Kung puwede sana ay sa 'yo manggaling."
"Hindi ako magaling gumawa ng kanta," sabi ko. "Mas lalong hindi maganda ang boses ko."
"Narinig kita noong Christmas play niyo."
"I can sing, but I'm not a good singer."
"Kahit na, ayos lang sa 'kin. Laking Angeleigh ako, sanay na sa sintonado. Natakot ka pa." Tumawa siya.
"Promise, papangit lang ang kanta mo kapag dinagdagan ko."
"Hindi mapipilit ang palangga'ng 'yan?"
"Kaya mo naman. Mas creative ka sa 'kin. I'll give feedback about it." I said to make it up to him.

BINABASA MO ANG
Beyond the Horizon | Academy Series #2
RomanceMadali lang matagpuan ng mga mata ang abot-tanaw. Sa paningin ng karamihan, isa lang itong guhit-tagpuan. It's the line where the sky and the sea meets. It is the thread that divides what's above and what's beneath. But for Prim, it only seems a on...