CHAPTER ONE: Panyo

75 38 7
                                    

CHAPTER 1


Lucy Qwenn POV'

Pagod akong napaupo sa damuhan tagaktak ang pawis sa noo at sa leeg. Huminga ako ng malalim dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.

Napatingin ako sa mga kaklase kung busy pa sa kaka dampot ng mga bola sa field.

Pano ba kami umabot sa ganito?

Dapat ngayon e nasa room kami naka upo at nakikinig sa lecture ng teacher namin sa 21st Century hindi yung ganito tirik na tirik yung araw nakabilad kami.

Ang kaso dahil sa pesting triple W na yun LAHAT kami pinalabas dahil sa kaniya!

Sino ba naman kasing  matinong tao ang sasagut-sagotin ng pabalang ang guro mo? Edi sino pa?...... No other than WENSTON WINSLY WALTER LOPEZ!

Ang PINAKA peste sa buhay ko sa school, siya ang dahilan kung bakit ang masaya kong pamumuhay ay napapalitan ng sobrang panget!

Sa kamalas malasang naging classmate ko pa siya at same pa yung Strand na kinuha namin!

Simula elementary bini-bwesit na ko ng triple W na yun! It started when I accidentally throw my food on his shirt. Hindi ko naman yun sinadya e, pero iwan ko ba sa peste na yun at hindi na ko tinigilan!

Pag nakaka ganti ako sa katarantaduhang ginawa niya siya naman yung gagawa ng bagong kakainisan ko! At sa pagitan lang naming dalawa yon. Hindi naman niya sinasali ang kaibigan ko lalong lalo na ang bebeh Cj ko.

Dahil pag pati si Cj kinanti niya! Hinding hindi niya gugustuhing umabot pa sa puntong hindi lang inis ang mararamdaman niya sakin.

Atngayon nga nag simula na namang mang piste ang triple W na yon. Ininis niya lang naman yung teacher naming si Ms. Vergara na subject teacher namin sa 21st Century. Mabait si Ms. Vergara pero may tinatago rin yung pag ka terror.


Kaya ito pinalabas kaming lahat para daw mag tino KAMI kahit na wala naman talaga kaming ginawa!

At yung hinayupak na triple W na yun no where to be found!. After kasing sabihin nong lecturer na ALL OF YOU GO TO THE FIELD! Naglahong parang bubbles! Nauna nga yun e ang kasu pagdating sa field ang triple W na yun e nawala, kaya imbes na siya ang gagawa ng pag pulot nong bola na pinapalo nong lecturer na ginalit niya ay kami..... Kami na ang gumawa para sa kaniya.

Kakahiya naman kasi baka mapagod pa siya.

"Huy! Lucy tumayo ka diyan. Bawal pahinga may Qwenn ka lang sa pangalan pero di ka reyna uy." Anas nong bida bida kung kaklase na si Hope.

Isa rin to!

Hope was my classmate since elementary she was transferred in our school ang akala ko non mabait siya dahil sobrang angelic ng mukha. Pero angelic face lang pala siya demonyo kasi yung ugali.

Nag punas muna ko ng pawis sa mukha sabay tayo ngunit gumanti muna ko sa pang-aasar niya.

"Iba kasi spelling ng name ko sa Queen mo obob!" Inirapan ko lang ito at tumulong ulit mag dampot ng bola sa field.

Hindi na ito nag salita pa siguro ngayon niya lang din naintindihan.

Bida bida lang di naman matalino! Yan yung pinaka ayaw ko. Yung bida bida sa room di naman maka sagot pag natawag yung name puro lang naman patawa ang alam.

AWAKEN BY HIM  (ON-GOING)Where stories live. Discover now