CHAPTER TWO: Trouble

50 28 6
                                    

CHAPTER 2

Lucy Qwenn POV'

Nakasimangot akong nag lalakad papunta sa building ng bebeh ko, si Cj. Yayain ko kasi siyang mag lunch ngayon.

But one thing I've been thinking at this moment....... hindi mawala wala sa isipan ko ang napaginipan ko kanina. I know it's just a dream but I feel like it's so real. Hindi ko iyon maalis sa isipan ko lalo na't wala pa kong kasiguraduhan kung magiging akin nga si bebeh Cj ko.

What if?— kidnapin ko na lang siya tas iuwi ko pag buntis na.

But I remember I don't have sperm and dick to do it.

Napasabunot ako sa buhok at lalong napasimangot dahil sa pagkabahalang nararamdaman. Wala pa mang ginagawa ang peste na yun ganito na ko ka apektado?

Paano pa kaya kapag...... kapag— kapag niligaw———,

No! No! No! Nooooooooo!!!

"Hindi ako papayag na kunin niya sakin si Cj! Akin lang ang bebeh ko!" Mariin kung sigaw sa isipan.

"Kung hindi lang kita kilala iisipin kung baliw ka na." Natigil ako sa paglalakad at napapangiting tumingin sa gilid ko.

"Oh my god! Bebeh ko! Akala ko iniwan mo na ko! Akala ko sumama ka na sa kaniya! Buti na lang wala kang pamasahe di ka niya nilibre." Niyakap ko ito, walang pake sa mga studyante at mga guro na dumaraan na nawiwirduhang nakatingin samin ni Cj, ngunit sinawalang bahala ko na lamang ang mga ito.

At nag pukos kay bebeh Cj ko.

Nag panggap pa kong umiiyak... Ngunit nakatanggap ako ng kurot sa bewang ko kaya naman napa daing ako sa sakit at napahawak roon.

"Gosh! Cj! Wala pa ngang tayo di mo pa nga ko sinasagot! Sadista ka na! Pano pa kaya pag may tayo na? Baka di na kurot abutin ko niyan." Biro ko rito. Hawak ang bewang at hinimas himas iyon.

"Isa pa Flaire! Papalo ko na tong libro makikita mo!" Ani nito habang hawak ang libro at winawasiwas na papalapit sa akin.

Hinarang ko ang kamay at sumimangot na lang.

"Ang sakit namang mag pa-ka sweet sayo. Tss! Nag bibiro lang e, kung maka kurot parang di matalim yung kuko." Asik ko at nag simula ng mag lakad papuntang canteen, sumunod naman ito at ang kaninang masamang tingin ay napalitan ng pag aalala.

"Uyy, masakit ba?" Nag aalala nitong tanong.

Hindi ako umimik at nag panggap na galit.

"Sorry na, ikaw naman kasi e kung ano ano yung sinasabi mo." Mahina nitong sambit pero rinig na rinig ko naman.

Napairap na lang ako sa hangin at hindi na umimik hanggang makapasok kami sa malaking canteen.

Para sa lahat ng student ang canteen na ito kaya naman malawak at sobrang dami ng pag kain pati mesa at upuan at higit sa lahat ay maraming studyante na nag halo halo na.

In this canteen we have policies kung anong strand mo doon ka pipila at kukuha ng tray, at plate na paglalagyan ng food mo.

Tinapunan ko pa muna ng tingin si Cj na naka nguso na ngayong pumunta sa lane niya sa ABM. While me is in HUMSS.

Napailing ako at napangiti sa mukha ni Cj, hindi naman ako galit gusto ko lang makita kung anong gagawin niya I wanna know kung apektado rin ba siya o hindi.

I was busy picking some foods and putting it on my tray when I heard a loud gasp and commotion.

Binalot ako ng pag aalala tumingin ako kay Cj, at nagulat ng makitang naka upo ito sa sahig at marumi ang uniform.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AWAKEN BY HIM  (ON-GOING)Where stories live. Discover now