CHAPTER 2

1.4K 46 1
                                    


💕💕...AUTHORS NOTE....💕💕

pacenxia Po medyo matagal Ang update busy lang sa negosyo...

____________________________________________________________

💕💕💕....KENNETH POV....💕💕💕

____________________________________________________________

"Good morning babe." Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Napangiti pa ko ng makita ang girlfriend kong si chloe.

"Good morning." Bati ko din sa kanya.

Lumapit sya sakin ay naupo sa lap ko.

"Alis muna ako hah.. Uuwe muna ako hinahanap ako ni mama ei, babalik din ako agad." Paalam nya sakin tumango naman ako sa kanya.

"Ihahatid kita gus-."

"Wag na babe." Pigil nya agad sakin, saka ngumiti. "Kakaunin ako ni kuya sa labas ng subdivision." Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa.

Pinagmasdan ko pa syang lumabas ng pinto ng kwarto ko. Nang mawala sya sa paningin ko ay ginala ko ang tingin ko sa loob ng kwarto ko.

Namangha ako dahil sobrang linis nito. Napaisip tuloy ako kung sino ang naglinis nito.

'Yung babae kaya na yon ang naglinis nito.'

Napapailing nalang ako dahil naisip ko ang babae na yon. Nainis tuloy ako bigla. Masyado syang pabida kay mommy at masyadong maarte may paiyak-iyak pa syang nalalaman.

Nagring ang phone ko. Agad ko naman iyong kinuha ay sinagot.

"Hello, kenneth." Sagot sa kabilang linya.

"Oh why charles napatawag ka?."

"I have to ask something?." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi itanong ei bakit ngayon kagabi ay nandito lang siya.

"Oh, what is this?." Inis kong sabi.

"Hahaha, i know this is weird but, pwede ko bang makuha ang number nung cute na babae kagabi?." Nangunot agad ang noo ko, kahit wala pa syang binabanggit na pangalan alam kong yun yong katulong namin.

"What?." Sigaw ko. "Are you crazy?." Inis kong tanong.

"Hahahha, no pare. I'm interested to her." Tatawa-tawang sabi nya pa. "Please, i want her number?." Pakiusap nya pa.

"Youre crazy."

'Baliw na talaga sya, bakit nya hinihingi ang number ng isang maid. Siraulo.'

"Pare, talk to me."

"Baliw ka ba talaga." Inis ko na talagang tanong sa kanya."Do you think, i have a number of the stupid maid. Sira na talaga ang ulo mo." Pagkatapos kong sabihin yon ay binaba ko na agad ang linya.

Alam kong may sasabihin pa sya pero hindi na ko interesado.

'Haaaaysss, lintik na yon. Ang ganda-ganda ng araw ko sisirain mo lang charles, yare ka talaga sakin pag nakita kita.'

Inis akong bumangon sa kama ko at dumiretso sa banyo. Naligo na ko at nagbihis dahil pupunta ako sa university dito. Dahil this year ay dito ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Kahit late enrollment ako ay tinanggap ako.

I accidentally married to the badboy heartrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon