CHAPTER 10 First together..

1.1K 45 7
                                    

_________________________________________________________________

💕💕💕...NAM POV...💕💕💕

_________________________________________________________________

Lumipas ang mga buwan patuloy parin sa pag alis si kenneth hindi ko alam kung saan sya pumupunta pero ang alam ko ay lumalabas sila ni chloe. Walong buwan na akong nagtitiis sa ganitong sitwasyon namin ni kenneth hindi ko malaman kung bakit ganito nalang palage ang pinaparamdam nya sakin.

Minsan kasi ay may pakealam sya sakin minsan ay wala. minsan pag umuuwe sya ay may pagkain syang dala para sakin. Sa walong buwan na paglabas labas ni kenneth ay walong buwan nadin nya akong nasasaktan. Tatlong taon ang kontrata namin bilang mag asawa, meron pa kong dalawang taon at dalawang buwan para makasama at makita sya araw araw.

Masaya nako na kahit hindi ko sya nakakasama ng madalas dahil ang importante para sakin ay umuuwe parin sya sa bahay gabi gabi.

Inabala ko lang ang sarile ko ng konting oras bago ako maligo. Nang nakontento ako ang nagbihis lang ako bago ako bumaba.

"Kanina pa sya umuwe galing sa school." pababa na sana ako ng hagdan ng marinig ko ang boses ni ate beth.

'Sino kayang kausap nya. Ang alam ko
kasi ay mamaya pa uuwe si kenneth.'

"Kumain na po ba sya?" si kenneth nga.

"Oo magkasabay kami. Ikaw ba kumain ka na?"

"Wala po akong gana ate beth." matamlay ang boses nya ng sabihin nya iyon. Nakita ko pang bigla nya nalang binagsak ang katawan nya sa sofa at pasabunot na hinawakan ang buhok nya.

"May problema ka ba kenneth?" buti nalang at natanong ni ate beth iyon. Hindi sya sumagot nananatile lang ang paningin nya sa taas. "Pwede mong ikwento sa akin ang lahat iho. Kilala mo ako, may problema ba kayo ni nam?" nagulat ako ng itanong iyon ni ate beth.

At nagulat din si kenneth na napaupo bigla.

"Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko"

"Pwede ko bang malaman kung anong problema mo?" tanong pa ni ate beth. Napatungo si kenneth at naisabunot na naman nya sa buhok nya ang pareho nyang kamay.

'Ano bang problema mo ha..
Akala ko ba ay masaya ka sa
babaeng iyon.'

'Napaka_weird mo talagang impakto ka'

"Ate beth, ano pong gagawin nyo kung mayroon pong nagbabanta sa buhay ng taong mahal nyo?" Bigla akong naging interesado sa sinabi nya kaya naman humakbang pa ako pababa sa hagdan para marinig ko ng malinaw ang sasabihin nya. "Pano po kung yong taong mahal mo ay napipilitan ka lang saktan dahil sa pinagbabantaan nila ang buhay nya." dagdag nya pa.

Napaisip tuloy ako kung sino yung taong mahal nya na yon.

'Bakit may nagbabanta ba sa buhay ni
chloe?'

'Jusmiyo kenneth, hindi oobra yon kay chloe.
ano ei demonyita yon ei.'

I accidentally married to the badboy heartrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon