Chapter 1 (Revised)

5.8K 152 5
                                    

Czelle's Note:

Ito po ang pang-apat storyang inumpisahan at tinapos ko dito sa wattpad. Bata pa po ako nung sinulat ko to kaya expect some errors. Mga grammar, typos or what. Maging ang mga corny na lines at mga medyo pagkakaparehas sa ibang story. Pasensya na po! God bless!

Nagpalit din po ako ng character at hindi ko natanggal ang pangalang "Yeri" sa kaibigan nila. Revised na ang ibang chapter but I don't think marerevise ko buong story.

Warning: madaming spg po ito. Read at your own risk!

---------

“Ano ba yan, Louise. Nakikita palang kita, nagiinit na ulo ko.” Inis na sabi sa akin ni Jigger, my mortal enemy since birth!

Yung para bang pinagtagpo talaga kami para mag-away. Siguro naman kilala nyo na ako? Kung hindi pa, ako nga pala si Louise Ghine Park, ang dyosang nilalang dito sa earth. Charot!

Simaan ko naman sya nang tingin saka inirapan, “The feeling is mutual!” Sigaw ko sa mukha nyang panget.

Hmp! Hindi naman sya gwapo kung maka-asta, akala mo kung sinong sigang napaka pogi. Taas nang tingin sa sarili porket pogi tatay nya!

Aalis na pala ako. Ininvite ako ng friend ko sa party na gaganapin ngayon sa bahay nila.

“San ka pupunta?” Tanong ni Jigger.

Hindi ko naman sya pinansin at nag tuloy nalang sa pag alis dito sa bahay nila Ley.

“Ley! Alis na ako. May lakad pa ako, e. Tsaka pala sa susunod na papapuntahin mo ako dito, make sure na walang panget na Byun ang nasa pamamahay mo, a.” Sabi ko tapos nakipagbeso-beso kay Ley para mag paalam.

“Nagaaway nanaman kayo” Umiiling na sabi nya.

Akala ko ba sanaya na sila? Oh well, hindi pa din ata nila tanggap na never kaming magkaka sundo netong panget na Byun na to!

I'll you guys a very short story. Nagtutulakan kami ni Jigger sa pool noong bata pa kami, matalo, syempre malulunod. At nalunod ako, niligntas nya ako sabay sabing, 'Sa susunod nga wag ka magpa talo! Wala na akong aawayin kapag namatay ka.'

Yes! Akala ko din nagmagandang loob sya. Para lang pala sa ika-liligaya nya ang pag ligtas sa akin.

“Hindi kasi nya matanggap na pogi ako, kaya ayun. Sige Ley, alis na din ako.”

Lumabas na ako ng bahay ng nakasimangot.

Hangga’t nasa paligid yang si Jigs, sasama at sasama lalo timpla nang mukha ko.

“Hoy san ka pupunta?” tanong nya sa akin. Hindi ko naman sya pinansin. Duh? Tatay ko ba sya para magpa alam?

Nagulat naman ako nang paluin nya ako sa braso, “TINATANONG KO KUNG SAN KA PUPUNTA!” Sigaw nya sa akin.

“ANO BANG PAKE MO?!” Sigaw ko din pabalik.

Hinawakan naman nya yung tenga nya tapos tumingin nang masama sa akin.

“Katabi mo lang ako, Louise! No need to shout.” Aba, parang hindi nya ako sinigawan kanina, ah?! Sino kaya tong nagsimula!

“Look who's talking...” Umirap ako.

“Hindi mo kasi ko pinapansin! San ka ba nga kasi pupunta?” Paki nya ba? Gosh! Kahit sino nasa posisyon ko, ma-sstress sa ugali ng isang to.

“Bakit ba?!” Iritang sabi ko

Ngumisi naman sya, “Sasama ako!”

“Ayako nga!”

“Sasama pa din ako!”

“Ayako!”

“Sasama ako!”

Nasa gilid kami ng kalsada, nagsisigawan. Bumuntong hininga nalang ako at pumikit. Nakakahiya syang kasama!

“Bahala ka nga sa buhay mo.”

Hinatak naman nya ako, “San nga kasi? Ihahatid na kita” Sabi nya. Wala naman akong nagawa, sayang din pamasahe. Kailangan kong ibudget tong 1K ko hanggang isang linggo! Gosh! Paano kakasya iyon? Haynako! Lesson learned, huwag suwayin ang magulang.

“Sino yun?” Tanong ni Jigger habang naka tingin ng masama sa isang grupo ng mga lalaki.

Malagkit ang tingin sa akin habang naka ngisi. Ngumiwi naman ako kasi nakaka diri sya tumingin! Parang Jigger lang.

“Ew!” Nandidiri kong sabi saka umirap.

“Tignan mo kung hinayaan kita mag-isa dito, magagahasa ka nang wala sa oras.” Bulong nya sa akin. Di pa din nya tinitigilan ang paninitig ng masama sa mga lalaki.

Siguro kung wala akong kasama ngayon ay malamang nilapitan na nila ako.

Mabilis na umiwas sila ng tingin sa akin at napalunok. Nilingon ko naman si Jigger para tignan kung anong sinenyas nya sa mga iyon para matakot ng ganun.

Kaso straight face na sya ngayon.

“Kung alam ko ba, tingin mo pupunta pa ako dito?” bulong ko din. Hinatak nya ako hanggang sa makarating kami sa gate.

“Hindi ka kasi nagiisip. Punta ka nang punta kung saan saan!” Inis na sabi nya saka tinalikuran ako.

“Wow, nahiya naman ako sa isip mo!” sarcastic kong sabi. Hinarap nya ako at matalim na tinitigan.

“Hindi mo talaga nage-gets yung point ko no? Slow ka nga pala...” Tumawa sya ng sarcastic.

“Leche! Umalis ka dito.” Sigaw ko.

Blanko nya akong tinignan, “Ngayong alam ko na, tingin mo iiwan pa kita dito?” Ngising sabi nya sa sobrang inis.

Hindi nalang kasi sabihin na concern sya sa akin, pina haba nya pa!

Hinawakan nya yung braso ko tapos hinatak ako sa sasakyan nya, “Uuwi na tayo, sakit mo talaga sa ulo, Louise!”

“Hoy! Hindi pa ako nakakapag-paalam sa mga kaibigan ko!” Sigaw ko.

Binuksan naman nya yung pinto nang kotse nya tapos tinulak ako papasok kaya wala na akong nagawa.

“Bukas ka na magpaalam,” Sabi nya tapos pumunta na sa driver’s seat.

“Oh? Akala ko ba may pupuntahan pa kayo?” tanong ni Der.

Nandito kami sa condo nila Trigger, ang kambal nyang may asawa na. Mamaya pa sana kami kaso nga lang umalis kami kaagad sa party nung kaibigan ko.

“Ang tanga kasi nyan ni Louise, muntik nang ma-rape!” Tinignan ko sya ng masama. Rape agad? Lokong to, a!

Nanlaki ang mga mata nila lahat at seryosong napa tingin sa akin.

“Omg! Anong nangyare?” tanong ni Irene tapos ini-scan yung katawan ko.

“Buti nalang at nandun ako, para iligtas sya.”

Umirap ako sa storya ni Jigger. Sige lang! Pagandahin mo pa pangalan mo, di kita pipigilan.

“Sino sila?” Seryosong tanong ni Trigs. Uh-oh! So, kailangan ko ng magsalita.

“Wag kayong nagpapaniwala dyan sa sira-ulong yan! Tumitingin lang sa akin kasi dyosa ako.” Totoo naman e. Yung una nga lang.

“Ayan ka nanaman, Louise! Sariling puri!” Inis na sigaw ni Jigs.

“Bakit ikaw? Ilang beses mo na nga ding pinuri yang sarili mo, e wala naman ding pumupuri sayo!”

“Madami sila hindi mo lang alam. Tsaka wag ka nga sumigaw, nakakairita ka!”

“Bakit hindi mo itanong kung natutuwa ako sayo?” Nilapitan ko sya para kweluhan. Di naman sya pumalag.

Tumawa lang sya at ngumisi sa akin.

“Guys! Hilong hilo na ako sainyo!” Sabay alis ni Irene sa sala.

“Grow-up...” Parinig na sabi ni Ley.

Napa tigil naman kami pero ang masamang tinginan namin ay hindi nawawala. I really hate him!

The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Where stories live. Discover now