Chapter 24

1.7K 68 19
                                    

Ang tumal :(

---

Pagkatapos 'nun ay wala ni-isa sa amin ang nagsalita. Nakatingin lang ako sa labas at palunok-lunok dahil hindi 'ko kayang magsalita sa kahihiyang natamo 'ko kanina.



Sumulyap siya sa akin at umirap. Paulit-ulit niya ako tinignan nang ganoon kaya naconscious ako sa itsura 'ko, tumikhim siya bago nagsalita, "Your short is too short. Nakasando ka din, baka naman mapaaway ako neto?" nakakunot noo niyang sabi.



Tumingin ako sa katawan 'ko tapos ay tumitig ako sa kanya, "Dati naman akong nagsusuot ng ganito." sabi 'ko, umirap naman siya.


"Hard headed." mahinang sabi niya.


Hininto niya ang sasakyan niya sa harap ng Time Out. Bago kami bumaba ay inihagis niya sa mukha 'ko iyong itim na jacket niya, "Hindi 'ko naman kailangan 'to, eh." lalo na kung napipilitan ka lang!



Hindi naman niya ako pinansin at nauna nang bumaba. Wala akong nagawa kundi bumaba na din, isinabit 'ko sa braso 'ko iyong jacket, mainit pa kasi. Nilingon niya ako at umiiling na bumalik.


Hinablot niya iyong jacket niya tapos ay siya na ang nagsuot niyon sa akin. Napatigil ako pero mukhang wala lang iyon sa kanya, nakipaghigh-five siya sa mga nakikita niyang kakilala niya. Maraming taga school dito kaya parang naging reunion.


"Iyon si Jael diba?" turo ni Tey sa isang babae doon sa gilid. Tahimik na nakatitig siya kay Jigger habang hawak iyong baso niya at umiinom.

"Familiar, Louise?" nakangising tanong sa akin ni Elle. Hindi 'ko naman siya sinulyapan at tinitigan din. Busy ang mga boys sa usapan nila kaya hindi nila ito napapansin.


"Siya iyong napagalitan mo noon na kahalikan ni Jigger sa may fire exit!" pinalo ako ni Verns.


Nanliit ang mata 'ko. Akala ko'y tumigil na siya kay Jigger. Nakita 'ko namang naguusap sila nung kasama niyang btch din, ngumisi sila. Isang shot pa ang inubos niya tsaka tumayo. Now what? Napaupo ako nang maayos nang mapansin 'ko kung ano ang balak niyang gawin.


Tinignan 'ko si Jigger, tumatawa siya sa lame na joke ni Chad. I swear, ayaw 'kong makipagaway ngayon kaya Jigger, umayos ka sa mga gagawin mo.


Hindi nga ako nagkamali. Pumunta iyong si Jael sa table namin, nagsigawan naman ang mga boys. Boys will always be boys. Tapos ay binigyan siya ng shot, ngumisi siya bago uminom.



"Iinom ako nang limang shot pero magsasayaw kami ni Jigger?" nakangising hamon niya. Napalunok ako. Please Jigger, kahit ngayon lang maging matalino ka sa mga gagawin mo. Please.



"Ow dude! That's Jael fcking Bugarin! Aayaw ka pa?" ani Tranx. (A/N: currentlyinlove, ayan te! Andito ka nanaman. Kotang kota ka na, ah? Hahaha) Sinamaan 'ko naman siya ng tingin kahit hindi niya napansin. Tumawa naman si Jigger at mukhang tuwang tuwa siya sa nangyayari. Hinndi manlang siya naging concern sa akin, ni hindi niya ako sinulyapan manlang.



"Sure." ani Jigger tapos ay tumayo pa parang puntahan iyong babae.

"Jigger!" sigaw ni Irene. Nagprotesta ang mga girls kaso pinigilan 'ko sila. Hahayaan 'ko si Jigger sa gusto niyang mangyari ngayong araw pero pinapangako 'ko na sa oras na ako ang gumanti, huwag na huwag siyang pipigil.



"Leche Jigger." inis na sambit ni Seul. Kanina pa sila nagsasalita at inis na inis kay Jigger pero hindi sila napapansin ng mga boys.



The Pretender (Byun Series #3 - Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon