Two: Dream Wedding

16 0 0
                                    

:(((



Isa lang naman ang gusto ko bago ako mawala sa mundong ito. Ang mapakasalan ang lalaking pinakamamahal ko. I would trade anything just for that to happen. I want us to be official. Rocky Racob is the man of my dreams. He's just perfect. He doesn't want us to sleep yet whenever we got into a fight, he wants us to talk first. He's lovable, he's a husband material, and he cares for me so much. Anyone would want him for themselves, and I'm just lucky to be his fiancé.



But all of my plans for our wedding started getting blurry for whatever reason. I woke up in the middle of the night outside the condominium, and everyone doesn't even care about me catching a cold or something. They're minding their own businesses very well, to the point of stupidity! Even the guard doesn't even come to help me. Unbelievable!



A bit mad, I marched into the condominium. Kahit ang paghihintay ko sa pagbaba ng lift ay nakakairita. What date is it now? I lost my track, and now I don't know if I should rush the wedding preparations or not! Why doesn't Rocky even contacted me? I think I just lost a bit of my memory. The fuck?



Nang makarating sa unit namin ay dire-diretso ang pasok ko, bahagya pa akong nagtaka dahil nakabukas ito. Rocky isn't like this? He's always careful. Bakit niya iiwanang nakabukas ang pinto ng unit namin? But well, I just hope that nothing was stolen here.



"Baby?" Sigaw ko, tinatawag siya.



Kumunot ang noo ko nang wala akong marinig na response. Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. I was just about to go to our bedroom when I suddenly bumped into him on the living room. Great! Nandito lang pala siya pero hindi siya sumasagot?!



"Nandito ka lang pala! I was calling you loud, but I didn't even get a response. Were you playing loud music again inside the soundproofed room?" Namaywang pa ako sa harap niya para makita niyang galit ako.



I slowly put my arms down when I saw my fiancé's reaction. Unti-unti ring nawala ang kunot ng noo ko, maging ang galit ko dahil sa gulat niyang mukha. Mukha siyang hindi makapaniwala habang nakatingin sa akin, kaya I awkwardly laughed. "What's with that face? Para kang nakakita ng multo, ah?"



Hindi siya sumagot. Nakatulala pa rin siya sa akin, tila ba hindi talaga makapaniwala. Bumuntong hininga ako at muling tumawa. "Gulat na gulat ka. Nawala ba ako ng matagal na panahon at ngayon mo na lang ulit nakita? Do I really have an amnesia?"



Hindi ulit siya sumagot, titig na titig pa rin sa akin. Sa inis ko ay sumigaw na ako. "Ano ba?! Nababaliw ka na ba?!"



Napatalon siya sa gulat, at parang doon lang natauhan. Nagmamadali siya nang lumapit sa'kin, muntik pa ngang madapa, saka ako niyakap. Sobrang higpit ng yakap niya, akala mo ay matagal akong nawala. Sobrang higpit ng yakap niya, halos hindi na ako makahinga. What the hell is really wrong with him?



"I miss you so much..." Bulong nito, yakap-yakap pa rin ako at ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. I think he's crying while he's burying his face on my neck. "I miss you so much, baby..."



Kahit nagtataka ay yumakap na lang din ako pabalik. Hinagod ko ang likod niya dahil kahit naguguluhan ako ay ayoko rin namang umiiyak siya. Tumahan din naman siya kalaunan at humiwalay sa akin, saka kami sabay na umupo sa couch. Hinahagod ko pa rin ang likod niya, habang siya naman ay titig na titig sa akin.



"I'm so glad you came back," ngiti niya.



Bumuntong hininga ako at naipilig ko ang ulo ko sa pagtataka, bago ako nagtanong sa kaniya. "Did something happen? I can't remember anything, so please enlighten me, baby."



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random ThingsWhere stories live. Discover now