One: Engkanto

51 1 0
                                    

:)))



"Guys, alam niyo bang kapag nakakita kayo ng taong walang kanal sa ilalim ng ilong, ay hindi talaga 'yon tao?"



"Anong kanal ba sa ilalim ng ilong?"



"Iyong malalim na guhit sa ilalim ng ilong ng isang tao, papunta sa itaas ng labi."



"Ah, alam ko na! Kung hindi iyon tao, ano iyon?"



"Engkanto."



Kasabay ng pagtaas ng camera, ay kasama ring nagngitian ang bawat isa. Lahat masaya, lahat nagtatawanan.



"So 'yon guys, nasa gitna po kami ng dagat ngayon. Ang ganda ko, 'no?"



Isang batok ang natamo ko mula sa likod. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin.



"Kapal ng mukha mo, oy!"



Napangiwi na lang ako. Hindi na lang kasi sumuporta, jusko.



Anyways, pinagpatuloy ko na lang ang vlog ko. Nandito kami sa gitna ng dagat at papunta kaming Napalisan, Samar. Isang isla iyon, at pyesta roon kaya makiki-pyesta kami, hehe.



"Walang signal, 'no?" Tanong ng isa kong kaibigan.



Natatawa akong umiling sa kanya. "Sinong tanga ang naghanap ng signal sa gitna ng dagat?"



So 'yon, na-beastmode siya sa'kin.



Habang tumatawid kami sa dagat ay may nakita akong bagay na nasa gilid ng dagat, mga nakatanim. Agad ko iyong tinuro dahil bahagya nitong nakuha ang atensyon ko. "Ano ang tawag do'n?" Saka ako lumingon doon sa driver ng bangkang de motor.



"Nipa ang tawag dyan, Miss."



Napatango ako. Madami pa kaming nadaanang nipa, lahat 'yon inaagaw ang pansin ko. Tila ba hinihila ako papalapit doon. Weird.



"Yes! May signal na!"



Agad kong nilabas ang cellphone ko nang marining ang sinabi ng isa kong kaibigan. Ni-text ko agad ang kaibigan naming doon nakatira sa Napalisan.



To: Karl

Otw na kami dyan! Hintay ka na lang friend, ah?



Pero isang text mula sa kaniya ang nakapagpakilabot sa akin...



From: Karl

Galing ka na dito, 'di ba? Babalik ka na naman?



Kunot na kunot ang noo ko habang paulit-ulit na binabasa ang text niya. Bakit parang may mali?



Dali-dali ko siyang tinawagan na mabilis niya ring sinagot. Ni-loud speaker ko na, para rinig naming lahat.



"Hello, Apro?"



"Karl, papunta pa lang kami! Hindi pa ako galing dyan?"



Natahimik sa kabilang linya, pero rinig ko ang paghinga ni Karl. "May nadaanan na ba kayong mga nipa?"



Random ThingsWhere stories live. Discover now