CHAPTER ONE

10.9K 716 324
                                    


CHAPTER ONE

"PAPASOK NA po ako," masiglang paalam ko kina mommy't daddy habang pababa ng hagdanan. "In ten minutes daw po darating na ang shuttle bus sa labas ng village."

"Take care, Akirah. Will you be okay?" ngiti ni mommy.

"Of course, mom. Hindi naman na ito ang first time na lumipat ako ng school. I can do this," confident kong sagot. I just don't want them to worry. Besides, I'm too old for this.

"Okay, here's your lunch." Inabot sa 'kin ni mommy ang lunch bag ko.

"You're the best, mom! I'll go ahead, dad!" muling paalam ko.

"Ingat, anak," ngiti ni daddy. "It's raining, magpayong ka."

Nakangiti kong pinakita ang payong ko saka kumaway sa kanila bago tuluyang lumabas ng bahay. Kakanta-kanta akong naglakad papalabas ng village. Exciting ang new school ko, Edgewood Panorama College. Kasi alam kong pinahahalagahan sa school na 'to ang passion ko, music. Unlike sa dalawang colleges na pinanggalingan ko, hindi sila gano'n ka-active sa school activities kahit pa panalo sa academics. Mahal ko ang musika. Gusto kong habang nag-aaral ako, marami rin akong natututunan sa hilig ko sa pagkanta.

Nakangiti akong sumilong sa waiting shed sa harap mismo ng village namin. Malakas ang ulan pero mabuti na lang at wala nang ibang tao na naghihintay ro'n kaya naman solo ko ang may kaliitang espasyo. Naupo ako at inilabas ang cellphone at Airpods ko, saka ako nakinig sa music.

Hindi ko maipaliwanag ang excitement. Naaalala ko pa 'yong anxiety ko ng first day sa naunang dalawang schools ko. Ganitong-ganito rin, umuulan at papasok ako nang mag-isa. Natatakot ako na para bang gusto kong um-absent agad kahit iyon pa ang unang araw. Ngayon, excited ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Sa isip ko ay nakaplano na agad na hahanapin ko ang music room at sasali sa kahit anong club na may kinalaman sa music. Desidido ako ro'n at malaking bagay na suportado ako ng parents ko. Lalo akong nai-inspire.

Panay ang pagngiti ko sa isipin pa lang na makakapasok ako sa music club. Nawala lang ang ngiting 'yon nang may lalaking humakbang papalapit at sumilong din sa waiting shed. Pinagpag niya ang payong at suot niyang jacket dahilan para tumalsik ang mga tubig mula ro'n sa akin.

Inis kong inalis ang Airpods at tumingala sa kaniya. "Excuse me," malakas kong sabi, pinigilan kong magtaray.

Natigilan ang lalaki at marahang nagbaba ng tingin sa 'kin. Sasamaan ko na sana siya ng tingin nang umawang ang labi ko sa kaniyang itsura. 'Yong bagsak at makintab niyang buhok ang una kong napansin, umaabot ang likod niyon sa kwelyo ng jacket sa may batok niya. May katangusan ang kaniyang ilong at medyo maputla ang labi.

Ang gwapo...

Tiningnan niya ako ngunit mas natuon ang pansin sa uniform ko. Naglapat ang labi niya at bahagyang tumango.

"Sorry," walang emosyong sabi niya at saka mas maingat nang pinagpag ang kaniyang payong at jacket.

Nag-iwas ako ng tingin at inayos ang bangs ko saka nagpanggap na abala sa cellphone. Kahit na ang totoo ay pinakiramdaman ko kung nakatingin pa ang lalaki sa akin.

Nang maging abala ulit ito ay saka ko siya muling tiningnan nang palihim. Rivero... Iyon ang nakasulat sa likod ng itim na varsity jacket na may puting manggas na suot nito. Nagpanggap akong inaayos ang Airpods nang bahagya itong lumingon sa gawi ko. Eksakto namang natanaw ko ang pamilyar nang shuttle bus ng Edgewood Panorama College kaya tumayo ako at inihanda muli ang payong ko. Nakaligtas ako sa halip na mahuling tumititig sa kaniya.

DIABLO : Sound Of DangerWhere stories live. Discover now