CHAPTER TWO

6.2K 420 111
                                    


DIABLO CHAPTER 2

NAUNA ULI ako sa waiting shed kinabukasan. Kaliwa't kanan ang lingon ko, inaabangan kung makakasabay ko ulit si Devon. Mas malakas na ang ulan ngayon kaysa kahapon kaya bukod sa makapal na jacket at payong, sinuot ko ang mid-length winter shoes ko. Nagagamit ko lang naman 'yon sa t'wing magta-travel kami ng family ko at nagso-snow sa bansang pupuntahan namin.

Hindi nga ako nagkamali dahil ilang saglit lang, natanaw ko na si Devon na naglalakad palapit sa waiting shed. Galing siya sa katabi naming village.

"You live there?" tanong ko nang tuluyan siyang makalapit.

Sandali siyang nagulat, hindi man lang yata napansing nauna na ako ro'n. Nilingon niya ang village na pinanggalingan saka tumango sa 'kin. "Obviously."

Sumimangot ako. Para nagtatanong lang... "So, makakasabay pala kitang pumasok araw-araw?" dagdag ko.

"Mauna ka kung gusto mo."

"Tinatanong kita nang maayos."

"Maayos din ang sagot ko."

"Napakasungit mo sa 'kin."

"Close ba tayo para maging mabait ako sa 'yo?"kunot-noong sagot niya.

"Hindi," napapahiyang sagot ko.

"Nandiyan na 'yong shuttle, tumayo ka na," aniya saka sinalubong ng tingin ang paparating nang service.

Gaya ng sinabi niya ay tumayo ako at hindi inaasahang tatabi uli siya para paunahin ako. Sa gulat ay nilingon ko pa muna siya. Naramdaman niya ang titig ko at kunot-noo akong nilingon.

"Oo, alam kong gentleman ako, pero walang meaning 'to. Sumakay ka na," bahagya niya akong tinulak.

"Aray ko, ano ka ba?" singhal ko.

"Sakay na."

"Hindi tayo close, 'di ba?" asik ko. Masungit siyang suminghal. "Kaya 'wag mo 'kong hawakan." Pairap kong inalis ang paningin sa kaniya saka sumakay.

Nasalubong ko ang tingin ng mga lalaki sa akin nang maglakad papasok. Nailang agad ako nang makita ang ilan na nakangiting nagbulungan habang nakatingin sa 'kin. Hindi ko tuloy alam kung ngingiti pabalik sa kanila o iismiran sila. Hindi ko rin kasi matukoy kung natutuwa ba ang ngiti nila sa 'kin o nambabastos na. Sa huli ay pabuntong-hininga ko na lang silang nilampasan.

"You can take my seat, Miss Transferee," sabi ng isang lalaki at saka pa lang tumayo.

Sumulyap ako sa dulo ng shuttle at nakitang marami pang vacant seats. Pero ngumiti ako sa lalaking nag-alok at sumulyap sa katabi ng seat niya. Nawala ang ngiti ko nang makita ang nakakalokong ngisi at tingin ng lalaking makakatabi ko kung mauupo ko ro'n sakali. Nakataas ang isang hita niya sa kinauupuan na halos masakop ang maliit na part ng seat na uupuan ko. Na-imagine ko nang kung mauupo ako, para siyang nakaharap sa 'kin.

"She'll sit at the back." Hindi ko inaasahang dadamputin ni Devon ang backpack kong nakasabit sa likuran ko, at bubuhatin ako na para bang isang napakagaan na bagay.

"Ano ba?!" asik ko na sinubukang tapikin ang kamay niya ngunit hindi ko 'yon naabot.

Pabagsak niya akong iniupo sa vacant seat na nasa tabi ng female student. Saka siya naupo sa kabilang aisle seat.

Sinamaan ko ng tingin si Devon ngunit inilabas niya na naman ang headphones niya gaya kahapon. Hindi na uli siya lumingon sa 'kin at pumikit na lang nang marinig ko ang music mula ro'n.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DIABLO : Sound Of DangerWhere stories live. Discover now