Chapter 1

8 0 0
                                    

Anak ka ng tatay mo! Sa sobrang pagiging pabida ko nandito ako ngayon sa loob ng CR at basang-basa. Wala akong pamalit kaya napilitan akong umuwi ng bahay.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa pagkatapos namin mahatid 'yung mga dala niyang paper bags sa organizer yata ng event na 'yon. Tapos pagkatapos no'n simpleng "thanks" lang natanggap ko at tumakbo na siya paalis sa harapan ko.

I mean akala ko naman siya 'yung tipong tatanungin ako kung okay lang ba ako o kung nilalamig ba ako pero hindi! Tinakbuhan niya ako pagkatapos niyang mag-thank you sa akin. Kahit pampalubag na inumin wala man lang.

Pero sino ba ako para magreklamo e ako nga itong nag-alok ng tulong out of nowhere dahil lang gwapo siya. 

Akala ko pa man talaga gentleman siya akala ko lang pala.

Lesson learned Kerstin! Do not fall for strangers!

Pero hindi talaga ako maka-move on sa pag-thank you tapos takbo agad. Ano 'yon, thank you and goodbye? He did not even wave to say goodbye he just ran away. 

Ewan ko bakit ang lalaking iyon ang laman ng isipan ko ngayon ang mabuti ay nakauwi ako ng hindi nakikita ni Dawn na basang-basa. Pagtitripan na naman ako ng babaeng 'yon.

Hanggang sa pagtulog ay hindi ko matanggal sa isip kung paano umasta 'yung lalaki na 'yon. Kahit pangalan ko hindi man lang niya tinanong. Sa loob ng dalawang oras naming magkasama dalawang beses rin akong mapahiya sa harapan niya.

Imagine gusto ko lang naman makatulong pero parang ako yata ang may kailangan ng tulong ngayon. Ayoko na!

"'Eto o," Abot ko sa kanila ang letters na ginawa ko kagabi. 

Dahil nga malas ako kahapon ay nabasa yung scented paper na binili ko kaya nilagay ko nalang sa bond paper yung sulat pero may kaunting design naman 'yon.

"Grabe ang cute ng pusa mo parang nagpipigil ng ihi." Natatawang kumento ni Dawn sa itsura ng drawing ko sa paper niya.

Nilagay ko ang bag sa gilid ng arm chair bago siya harapin. "Siyempre inspired sa iyo kaya nga may nakalagay diyan na "for my dearest, Dawn". " I mocked.

"Salamat, Tin." May pinatong siya sa arm rest ko kaya ro'n ko pinukol ang paningin kong kanina na kay Dawn. "Hindi ko nabigay sa iyo 'yan kahapon bigla ka kasing nawala."

I smiled, awkwardly. Dapat talaga hindi na binabalikan ang nakaraan. Tama nga ang kasabihan nilang past is past. Hanggang ngayon yata nararamdaman ko pa rin ang pagkakapahiya sa harapan niya.

"'Yung akin rin ito o, pasalamat ka dala ko pa rin 'to ngayon baka kinain ko na 'to sa bahay." Si Dawn naman ang naglapag ng isang tupperware ng brownies. "Nasan ka ba kasi? Alis ka nang alis hindi mo tuloy napanood 'yung program kahapon. Ang saya pa naman dahil maraming taga ibang building ng college akong nakita. Daming gwapo!" She exclaimed.

"Puro ka naman gwapo e," Mahina lang ang pagkasabi ko pero dahil magkakalapit lang kami ay sigurado akong narinig nila iyon.

Kumain ako ng brownies at tinabi sa loob ng bag ang gift ni A na nakabox pa, sa bahay ko nalang siguro bubuksan.

Inirapan niya ako. "Dapat talaga nandito ka kahapon para hindi ganyan kabusangot mukha mo. Buti nalang ako always happy kaya wala akong wrinkles sa face."

"Lakas kasi ng ulan e, umuwi nalang ako." Rehearse na 'yung sagot ko dahil alam ko naman tatanungin nila ako ngayon. 

"Sa bagay ang lakas nga ng ulan mga ilang oras din tinagal ng ulan." She agreed. "Daan tayong Med mamaya." Napalitan ng sigla ang kanyang ekspreyon.

Halos malunok ko ang isang buong piraso ng brownie sa sinabi niya. Hindi naman siguro tama 'yung iniisip kong baka taga Med 'yung si kuya kahapon hindi ba? Hindi lang naman mga medical students ang naka full white na uniform from head to toe.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Counting the Sands (Teen Series #1)Where stories live. Discover now