Prologue

19 1 1
                                    

"So... ano meron sa labas?" Kuryoso kong tanong at nakisali sa mga kaklase kong nagpupumilit makita ang kung ano mang nangyayari sa labas.

"Hindi ba si Adrian 'yon? Akala ko sila pa ni Angel bakit iba ang nililigawan niya ngayon? 'Yung babae na 'yan yata 'yung sinasabi nilang muntikan nang mabuntis last year." Narinig kong bulong ng isa sa mga kaklase ko habang nakikisosiyo sa kung anong nangyayari sa labas.

Narinig ko rin ang tsismis na 'yon dati noong Junior pa ako at sa pagkakatanda ko ay Mica ang pangalan ng babae at Grade 12 na siya ngayong taon. Maraming lalaki ang nalilink sakanya at marami na rin ang mga kumakalat na balita patungkol sakanya may mga magaganda pero kadalasan ay puro negatibo ang mga dumadating sa amin.

Hindi rin kasi maiipagkaila na tunay na maganda ang babae at may posible na magkatotoo ang mga balita na kumakalat patungkol sakanya ngunit hindi rin natin masasabi kung may patunay ang mga iyon kaya mas mabuting huwag nalang magkumento ukol sa mga tsismis na 'yon.

"Hala.." Mababang boses na reaksyon ng karamihan nang biglang hinawi ni Mica ang bulaklak na binibigay sakanya ni Adrian.

Napabuntong-hininga ako nang biglang tumakbo mula sa eksena si Mica. Sinalubong ng mga mata ko ang intrigang mga tingin ni Dawn. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at nagsulat.

"Ano? Tinanggap ba?" Tanong niya nang makabalik ako sa pwesto. Sumimangot ako at hindi siya pinansin. "Basted? Sabi na e! Sa panget ba naman ni Adrian na 'yon akala mo naman papatulan ni Ate Mica."

"Paano mo nasabi Dawn?" Natatawang tanong ng kaklase kong nakarinig sa sinabi ng kaibigan ko. "May itsura naman si Adrian baka kamo masyadong mataas standards niyang si Mica kaladkarin naman."

Tumaas ang paningin ko sa sinabi niya. That's obviously a foul. Wala ni isa sa amin ang nakakakilala sa tunay na pagkatao ni Mica. Yes, we maybe have a short background about her but none of them has proven. At si Adrian naman ay matagal na naming kaklase at kabisado na namin ang ugali. Parehas lang silang naglolokohan kung magtatalo sila kung sino ba ang mas malas kapag nagkatuluyan ang dalawa.

Humalukipkip si Dawn. "Kaya walang pumapatol sa iyo ganyan ang bibig mo." Iling-iling niyang sabi.

"Hindi na baleng wala kaysa naman maghabol kahit alam na iniluluwa ka na nung tao." I craned my neck as I continue to stare at her. "Kaya siguro kinakampihan mo si Mica kasi parehas naman kayong kaladkarin. Isang tawag lang basta may pera sasama na agad."

"Gago ka ba?" Si Dawn.

Panutyang tumawag ang kaklase ko. "No offense Dawn a, nagsasabi lang ng totoo."

"Gago pala 'to e, parang napaka linis na tao. Hoy! Hindi lang kayo ang anak ng Diyos kaya huwag kayong magmalinis gusto mo ilabas ko lahat ng baho mo e. Mas mabaho ka pa kaya kaysa sa kanal."

"O bakit? Parang may alam ka naman sa akin." Hamon niya.

Imbes na mainis si Dawn ay ngumisi siya na para bang may mga ideya siya sa utak na ngayon ang tamang panahon para ipakalat. "Gusto mo a. Hindi ba sinuhulan ng nanay mo ang teacher natin noong Grade 9 kasi nagkaroon ka ng palakol sa card. Nilandi mo si Ivan kahit sila pa ni Jane kasi hindi mo matanggap na mas pinili niya si Jane kaysa sa iyo. At natatandaan mo pa ba si Sir Garcia noong Junior? Hindi ba-"

Naputol siya sa susunod na sasabihin nang buhasan siya ng tubig sa mukha. Subalit walang bakas ang pagkairita sa mukha ni Dawn.

"Akala ko ba labasan ng baho," nakangisi niyang saad. "Sumama ka kay Sir Garcia kasi may pinangako sa iyo na makakasama ka sa honor roll, alam mo namang pamilyado na 'yung tao pinatulan mo pa. Sino sa atin ngayon ang malandi?"

Inintsa ko ang panyo ko sakanya para punasan ang basa niyang mukha. Nagkatinginan kami ni A at nag-iisip ng magagawa upang mapatigil ang dalawa.

"Ganyan talaga ang ugali ng mga batang kulang sa aruga ng magulang." Sambit ng kaklase ko na kumuha ng atensyon naming dalawa ni A. "Ayy meron ka ba no'n? Hindi ba parehas na silang may kanya-kanyang pamilya etchapwera ka lang sa buhay nila in short sampid ka lang."

Counting the Sands (Teen Series #1)Where stories live. Discover now