After You 25

5 2 0
                                    

Z A N N A H

For the first in my life, I start questioning my worth.

Seeing dad's furious and disgusted face while looking at me gaves my heart an unbearable pain.

Kahit kailan hindi ko pa nakitang ganito tumingin sakin ang ama ko. Dahil simula pa lang nung bata pa ako, he would looked at me with a smile. He would hug and kiss me when I'm in pain. But now, it's different, because he is one of the reason why I'm feeling this pain.

My nose sting. Nagbabadya na rin ang mga luha kong tumulo pero pinigilan ko. Pero mukhang hindi ko yata kayang pigilan ang kirot sa dibdib ko.

"D-dad..." And once again I called him. Nagbabakasakaling magising siya na ang sinampal niya ay anak niya. But I never get any reaction from him, instead mas nagalit pa ito ay nandiri.

"You're disgusting..." Parang isang sampal sakin ang sinabi niya. Hindi ko inaasahang pati sa kaniya, sa taong pinagkakatiwalaan ko, maririnig ko ang salitang pandidiri katulad ng sinasabi ng iba.

Why are they even disgusted on me? Wala naman akong ginawang masama. All my life, iniisip ko ang bawat galaw na gagawin ko. Ayokong magsisi sa huli kaya lahat ng galaw ko, may pag-iingat. Pero ngayon, hindi ko sila maintindahan. Drey and even dad is looking at me disgustedly. Para bang, isa akong nakakadiring bagay na dapat ay hindi lapitan.

I look at him, straightly, "D-dad, why?" I ask, kasi naguguluhan ako. Gulong-gulo na ako. Gusto ko lang malinawan para naman hindi ako nagmumukhang tangang iniisip ang nagawa ko. Kasi sa totoo lang, wala akong alam. Hindi ko alam.

He gasp, mukhang hindi makapaniwala sa tanong ko. While tita Angelic on his side just gave me her smirk.

"You're asking me why? Really Zana? Hindi mo alam?" he ask, mimicking. "O baka naman nagpapakainosente ka lang?"

Hindi ko siya maintindahan. Kahit saang anggulo ko tinggan wala akong makuhang sagot.

Pagak itong natawa, siguro nakita ni Dad sa mukha ko ang labis na kaguluhan at inaakala niyang nagpapanggap ako.

With this person standing in front of me, hindi ko na siya makilala. Malayo na siya sa kinagisnan kong ama. Hindi na ito ang taong tinitingala ko. Malayo na siya sa taong mahal ko.

My dad is different now.

Nakita kong tumaas ang sulok ng kaniyang labi. May panunuya niya akong tiningnan, na para bang hindi niya ako kilala. Na para bang hindi siya nangakong hindi ako pababayaan.

He handed me an envelope. Hindi ko alam kung para saan yun pero tinanggap ko pa rin, kahit nanginginig ang kamay.

"W-what's this?" I ask, nervous.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Dad. "Open it..."

Before opening the envelope, I took a deep breath first. Hindi ko alam pero kinakabahan ako at hindi 'to magandang senyales.

With my trembling hands, slowly, I open the envelope. At sa pagkakataong yun hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"No... No... No..." Umiling ako habang sinasabi ang salitang yun. Patuloy ang pagtulo ng luha ko.

Inisa-isa ko ang mga litrato, naggbabakasakaling mali ang nakita ko. Pero kahit anong gawin mo yun pa rin yun.

Nabitawan ko ang mga litrato ng maramdaman ko ulit ang hapdi ng sampal ng kung sino. And this time I can already taste my blood on the side of my lips. Ganun kalakas ang sampal na yun.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang galit na galit na mukha ng ama ko. I hurts. So much.

"D-dad..." Sinubukan kong lumapit sa kaniya baka sa pagkakataong ito tanggapin niya ako. Pero hindi, dahil iwinaksi niya ang kamay ko na naging dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"See those..." puno ng pandidiri niyang sabi. "Ikaw yun at ang tanginang kahit mo.  Really Zana? Wala na bang iba? Pati ba naman kapatid ng boyfriend mo pinatulan mo. Ganyan ka ba kakati?"

Ganun na ba ang tingin niya sakin? Ganun na ba ako kababa sa paningin nila? Ano pa nga ba, hindi ba? Hindi naman nila hiningi ang paliwanag ko kasi nakasarado ang isip nila para dun.

The pictures... It was me and Drake, together in one bed. Hindi ko alam ang nangyari pero alam kung may mali. Alam kong may hindi tama.

Kahit gaano man ka senswal ang mga litratong yun, alam kong walang nangyari samin. Drake can't do that to me. Alam ko at alam ko yun sa sarili ko. Pero tama bang saktan nila ako para dito? Nang hindi man lang tinitingnan ang side ko?

Pero mukhang hindi pa talaga nila ako kilala. Kasi kung kilala nila ako hindi sila basta bastang maniniwala sa litratong yun. Hindi nila ako sasaktan ng ganito.

"You're flirt, slut, man whore. Really Zana? Ganun ka kababa? Wala ka man lang pinipili."

Yun din ang sabi sakin ni Drey. I'm slut, flirt, bitch, dahil nakita nila ang mga litrato. Mababa na ang tingin nila sakin kasi sa isip nila nakipagtalik ako sa kapatid ng nobyo ko. Ang landi ko para sa lahat ng lalaki si Drake pa.

"You know what, I'm regretting that you're my daughter..."

What he said breaks my world. My dad, my hero... Is regretting that I was his daughter. Dahil sa nagawa ko pinagsisisihan niyang naging anak niya ako.

I held my chest. It's tightening that made it hard for me to breathe. I felt my heart being ripped away from me. Hindi ko matanggap na nasabi niya yun.

Ganun ba talaga ako kasama? Ganun na ba ako kawalang kwenta? Tiniis ko naman lahat ah. Tiniis ko lahat para lang manatili sila sakin pero mukhang hindi sapat ang lahat ng yun. Mukhang kulang pa rin.

Ang malamig na sahig ang kaagapay ko sa sakit na 'to. Patuloy ang paghagulgol ko habang nakayuko. Nasasaktan ako... sobra.

Nung nakaraang araw, akala ko naranasan ko na ang matinding sakit pero nagkamali ako. Kasi sa nararanasan ko ngayon, mas triple pa ang sakit nun. Mas matindi.

I looked up to my father. With my blurry eyes I can still see his face.

Nasasaktan ako sa katotohanang ang taong nangakong hindi ako hahayaang masaktan ay siya na ngayon ang nananakit sakin. His my father but his now regretting that I'm his daughter.

Sa patuloy kong pagtitig sa kaniya, narealize kong ubos na pala ako. Nasagad na pala ako. Hindi ko yun napansin kasi nasa kanila ang atensyon ko. Sa patuloy kong pagkuha ng atensyon nila, hindi ko napapansing unti-unti na pala akong nawawalan.

Sa lahat ng bilin ng mommy ko, I realize one thing. Parehas pala kami. Na katulad niya, mas uunahin ko ang iba kesa sa sarili ko. Na kahit saktan nila ako ayos lang kasi ayokong saktan din sila.

Ang martyr ko pala. Ang tanga ko pala para hayaan ang sariling magmakaawa sa kanila.

Sana pala sinunod ko nalang ang sabi ni mommy na huwag umiyak at magmakaawa sa mga taong piniling iwan at saktan ako.

After how many months of begging, I finally realize that I don't deserve those kind treatment, their painful word and harsh act. Hindi ko deserve ang masaktan ng ganito. Siguro sapat na ang buwan at taong paghingi ko ng atensyon at tawad. Sapat na sigurong sinubukan ko, at least wala akong pagsisisihan.

While staring at my father, I realize how much I love him. Kahit sinaktan niya kami ni mom mahal ko pa rin siya. He's still my father and if ever God will let me chose my father again, I will always chose him. I love him and I'm not regretting that he's my father.

But this time, getting his attention and love is enough. I tried but I'm tired.

Mom, I'm sorry, I can't fulfill my promise. Dad gave me the reason to give up. It's already enough, right? Pagod na po ako. Pagod na ang prinsesa niyo.

★ S H A N A Y S 2 3 ★

After You [Book 1] ✓Where stories live. Discover now