LOVE

1.8K 44 6
                                    

Ranz POV

" ...asan na naman kaya yun? .." bulong ko sa sarili ko habang hinahanap si Charlie.

Simula nung nag-bell tumakbo na lang siya bigla, hindi ko tuloy naabutan. Hinanap ko na siya kahit saan pero wala pa rin. Chineck ko na din pati ang mini forest pero wala talaga. Charlie, kung alam mo lang kung gaano kahirap manghula para lang makita ka. Magpakita ka na please!

Maya-maya bigla na lang siyang nagtext. Tinupad ang hiling ko, ayos!

_____________________________________

From: Sweetheart

Alam kong hinahanap mo ko, nasa Lighthouse lang ako.

______________________________________

Pagkabasa ko nito ay pumunta na ako sa lighthouse. Wala rin naman akong gagawin sa bahay, kaya ibibigay ko muna ang time kong makasama ang girlfriend ko :">

--

Pagkarating ko ay nakita ko agad siya. Nakaupo siya sa bench sa harapan ng tower ng lighthouse at para bang may malamlim na iniisip. Di na ako nagdalawang isip pa at pinuntahan ko na agad siya.

" .. hoy! bakit ka andito?? .." tanong ko at nakiupo na rin ako sa tabi niya.

" .. ah wala.. sabi kasi ni mama,maganda daw ang view dito pag maggagabi na lalo na daw yung mga stars, e gusto kong makita yun kaya nagmadali akong pumunta dito..." mahinang sabi nito. So hanggang gabi pala siya dito? .. Pansin ko lang parang may iba sa kanya ngayon, ibang Charlie siguro nasa harapan ko o mahilig lang talaga siyang magtransform.

"... bakit ba ang lungkot mo?, simula ng naging tayo, lagi na lang kitang nakikitang ganyan .." malungkot na sabi ko.

" ...hindi naman ah.. iniisip ko lang ulit yung sinabi nila sakin kanina .." sabi nito.

" .. ano naman yun?? .." curious na tanong ko.

" .. na ...na ano ...na parang hindi daw tayo bukod sa lagi tayong nag-aaway ....uhmm di ...di daw tayo sweet ...yung ganun ba? .. hindi katulad ng iba na unang tingin mo pa lang, malalaman mong sila na ... pa-pasensya na ha? ang OA ko ngayon, masanay ka na sakin.." sabi niya sabay tawa.

Ganun? kahit naman ako e, ganun din ang nakikita ko sa sitwasyon namin ngayon.

" ...ganun? .. e di ipapakita natin sa kanilang tayo, simula bukas maglelevel-up na tayo .." sabi ko para naman gumaan ang loob niya.

" .. di mo naman kailangang sabihin o ipakita sa kanila na 'tayo'.. I'm sure maraming magagalit sakin 'pag nalaman nila.. uhmm, okay na sakin ang ganito.. " mahinang sabi niya habang nakatitig sa ulap. Malapit na ring magdilim, ito ata ang hinihintay niya.

" ... kung yan ang gusto mo, ayos lang sakin.. basta alam nating pareho na mahal natin ang isa'i isa." sabi ko at umakbay ako sa kanya.

Di ko maexpress ang feelings ko sa kanya. Para kasing may iba. Siguro tama nga sila na ...na hindi pa namin kayang maglevel-up. Kahit ako, may time na nahihiya pa ako sa kanya. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kaseryosong usapan kasama siya, di ko alam kung bakit siya ganito ngayon. Ah ewan!

" ...Ranz, ma-mahal mo ba talaga ako? ...baka kasi napipilitan ka lang dyan.. di naman ako magagalit e ..." seryosong sabi niya habang nakatingin sakin.

Ano bang klaseng usapan ito? Bakit ba ganyan ang tinatanong niya? Pati ako naguguluhan na. Gusto na ba niyang umayaw?

" ...Oo naman.. gusto mo pa ng reason? .. " sabi ko.

" ...gaya nga ng sabi ko sayo dati, iba ka sa lahat. Hindi ka naman abnormal, hindi ka din naman alien pero ikaw lang yung nagpasaya sa mundo ko ngayon ... Oo sabihin na nating maraming nagmamahal sa akin lalo na yung mga fans, naaappreciate ko naman lahat ng efforts nila para mapangiti ako. ...pero iba pa rin yung sayang nararamdaman pag nandyan ka ...

.

.

.

.

" .. kahit ilang libong tao pa ang magmahal sakin, iba pa rin ang saya pag yung taong mahal mo ang nagmamahal sayo...

.

.

.

.

...ganun ka e, liligawan ba kita kung di kita mahal? ...aaminin ko, ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae at ikaw pa ang dahilan..." sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Naramdaman ko din naman yung yakap niya sakin. Eto na yung close na sinasabi nila, daig pa namin ang mga molecules ng isang solid. Hindi lang kami basta close, very close to each other.

.

.

.

.

" .. may itatanong ka pa ba? .." bulong ko sa kanya.

" .. wala na Ranz, nasabi mo na lahat .. " mahinang sabi niya at bumitaw na siya sa pagkakayakap.

".. wag ka ng malungkot ha? ...basta lagi mo 'tong tatandaan, 3 words lang 'to pero isa lang ang meaning nito, I LOVE YOU " ito ang lumabas sa bibig ko habang hawak ko ang kamay niya.

" .. I love you too, ranz.." sabi naman niya.

Gabi na pala, hindi ko napansin dahil sa kasama ko ngayon. Eto na yung hinihintay niya, yung mga stars na gusto niyang makita. Na naging dahilan kung bakit siya tumakbo para lang makapunta dito at naging dahilan kung bakit ko nasabi sa kanya ang lahat ng 'to.

" .. ano? uwi na tayo? .." yaya niya sakin.

".. ikaw bahala.." sabi ko naman.

" .. uwi na tayo, may pasok pa tayo bukas.." sabi nito at agad naman niyang isinakbit ang bag niya.

Magkasabay kaming umuwi ngayon na puno ng saya. Iba pala ang pakiramdam pag nailabas mo ang lahat. Ang gaan sa pakiramdam.

Charlie's POV

Hanggang ngayon di ko pa rin maipaliwanag lahat ng nangyari sa gabing ito. Parehas naman kaming naglalakad ngayon pauwi pero di pa rin bumabalik sa normal ang isip ko. Naiistuck pa din sa lahat ng lumabas sa bibig namin kanina. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan mula sa lalake. Ewan ko kung seryoso siya pero feel ko naman e na he's serious.

" .. dito na lang ako ...salamat pala, uwi ka na.." sabi ko nung nasa tapat na ako ng gate namin.

" ...ah sige, matulog ka na ha? .. itetext na lang kita.." sabi niya sabay ngiti.

" .. uwi ka na.." at binuksan ko na ang gate namin para makapasok na ako.

Nakita ko namang tumalikod na siya at umuwi na. Maya-maya ay nagvibrate bigla ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakita ko ang message niya.

______________________________________

To: Ranz

Kumain ka na ha? Wag ka ng malungkot, ngiti ka na dyan! .. I love you!! :"> haha:)) alam mo na yan..

________________________________________

Nang nabasa ko ito, napangiti na lang ako ng biglaan. Di ko na lang siya nireplayan dahil wala na rin akong load.

Sa sobrang saya ko ngayon, hindi ko maexplain kung bakit ako nainlove sa taong kinaaayawan ko dati. Akala ko fiction lang ang lahat ng iyon, pero hindi pala ...totoo pala :">

---------------------------------

to be continued!!

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Where stories live. Discover now