The Stars

1.6K 44 7
                                    

THE STARS

" Cha, wala ka pang nababawas sa pagkain mo oh.. ano bang nangyayari sayo? "

Tinitigan ko lang yung pagkain habang ginagalaw ko ito ng kutsara ko, " Ana, di kasi mawala sa isipan ko kung gaano siya kaseryoso nung nag-usap kami e "

" Jusme! yan lang naman pala. Pati ba naman mukha ng tao, poproblemahin mo pa? Ibang klase ka rin huh! " at nginuya na niya yung bubble gum na bigay ko sa kanya kanina.

Hayy naku di ko na alam ang gagawin ko. Kung bibigyan ko ng pag-asa, natatakot ako na baka masaktan na naman ulit ako.

" Uwi na tayo " yaya niya kaya agad naman akong sumunod sa kanya.

Dumating kami sa room, five minutes before time. Umupo na ako at kinuha na sa bag ko yung book na gagamitin.

" Hatid ulit kita mamaya ha? "

Tiningnan ko siya, " No thanks.. kasabay ko kasi si Kenneth " at ibinaling ko na ulit ang paningin ko sa libro.

Buong oras niya kong ginugulo sa mga kwento niya. Hindi ko na lang pinapansin at baka masita kami ng teacher. Ang dami niyang kinukwento about sa buhay, pamilya, yung aso niya at about second chances.

" Naniniwala ka ba na pwedeng magbago ang isang tao para lang mapatawad siya nung isang tao? " hindi ko umimik.

" Ahh siguro hindi ka naniniwala. Dipende rin naman kasi yan sa tao eh " di ko pa rin siya pinapansin.

" Pero habang nabubuhay may pag-asa di ba? Kaya... merong taong kayang maghintay tulad k--"

Dahil sa naiirita na ko sa mga sinasabi niya, nagawa ko siyang sigawan.

" Ano ba! Hindi ka ba titigil ng kaiimik dyan! Nakakaistorbo ka eh! " dahil sa sigaw ko, nasita ako ng teacher.

" Ms. Veron, what's that?! " mukhang nagalit yung teacher dahil iba ang tono ng pagkakasalita niya.

" Nothing Ma'am. I'm sorry " napatungo ako.

" Next time, don't do that again! Understand? " then nag-nod ako.

Tiningnan ko ng masama si Ranz at nakita kong nagsalita siya, " sorry.."

Di na niya ako ginulo pa hanggang sa matapos ang klase.

" Kenneth, tara na.." sabi ko habang papalapit sa kanya.

" Naku Charlie pasensya na, di ako makakasabay. Susunduin kasi ako ni Mommy eh, pasensya na ha? " sabi niya at nagbabye na sakin.

Lumabas ako ng room at naglakad na palabas ng school. Medyo nakakalungkot kasi wala akong kakulitan habang nasa daan.

" Ako na lang ang sasabay sayo." nilingon ko ito at nakita ko na naman siya.

" Ayoko ng may kasabay. Kaya makakauwi ka na.." sabi ko at dumiretso na ng paglalakad.

Ramdam ko naman na nagtatabi na kami sa daan habang naglalakad kaya napahinto ako, " Ano ba! Wag ka ngang sumabay please lang. Laki laki ng daan oh, di ka pa dun dumaan." sabi ko at umalis na ulit.

" E di kasi ako komportable ng walang kasabay eh." nilingon ko ito at nakita kong ngumiti siya.

" Bahala ka na nga! " binilisan ko na ang paglalakad pero nahahabol pa rin niya ako.

Those Three Little Words [Season 2 of Gummy Worms]Where stories live. Discover now