Chapter 39

6.3K 134 21
                                    

" Shit! What happened?"

Nagtataka niyang tanong ng biglang tumigil ang sinasakyan nila. Bahagya siyang kinabahan ng parehong bumunot ng baril sina Travis at Dranreb.

" Stay here, Miss Gia."

Utos ng mga ito, kaya napasiksik siya sa likod na upuan. Ito na nga ba ang sinasabi ni Logan na iwasan ang lumabas. Pero hindi niya mapigilan ang pang iinis niya sa binata. She feels triumphant, pag nakikita niya na wala itong magawa kundi ang hayaan siya. His annoyed look and yet ibibilin siyang mabuti sa mga kasamahan nito. Sounds crazy pero nasisiyahan siya. Pero parang nagsisi siya ngayon.

Parehong lumabas ang dalawa at lumapit sa sasakyan na nakaharang sa daraanan nila. Masyado na gabi kaya walang ibang sasakyan na dumaraan.

Kinakabahan na pinapanood niya ang dalawa at nanlaki ang mata niya ng mula sa gilid niya may sumulpot na mga kalalakihan na may bonnet. Binuksan ng mga ito ang pinto ng sasakyan.

" Baba!"

Utos ng mga ito na may hawak na baril. Nilingon niya sina Travis at Dranreb na nakataas na ang kamay. Dahil ang mga lumabas sa nakaharang na sasakyan ay may mga baril din.

" No!"

Sigaw niya. Nakita pa niya ang pagsubok ng dalawa na makipagpalitan ng suntok. Pero nahinto iyon ng lumabas mula sa unahan ang malaking lalaki at itutok ang baril sa dalawa niyang bodyguard.

" Miss, bumaba na kayo at baka madali ang buhay ninyo."

Utos sa kanya at inabot siya pero sinipa niya ito.

" Ang tigre talaga!"

Komento nito. Mula sa kabilang gilid niya ay bumukas ang pinto ng sasakyan. Bago pa niya maabot ito ay agad siyang hinila palabas ng lalaki. Sinubukan niyang manlaban, pero nilapitan siya ng lalaki na may baril.

" I will take it from here! Kayo na bahala sa dalawa niyang kasama."

Utos nito at agad siyang isinandal sa kotse. Natatakot siya sa maari nitong gawin.

" Please, I'm begging you. Don't kill me."

Pakiusap niya dahil alam niya napaka hirap tanggapin iyon ng kanyang mga magulang.

"Kung ayaw mong mamatay, wag makulit!"

Sagot nito at kinunutan niya ng noo. Parang pamilyar ang boses nito. Kahit ang amoy nito at pamilyar sa kanya.

" Who are you?"

Tanong niya. Dahil sa pagkakatingala niya dito, he reminded him of someone. Ang lalaki na gusto niyang iniinis!

Pero hindi ito sumagot. May kinuha lang ito sa bulsa at itinakip sa mukha niya.

"Mag bakasyon lang tayo."

Bulong nito, napakadali para sa kanyang manlabo ang paningin.Pero maliwanag sa kanya ang sinabi nito.

" Okay, done!"

Sigaw niya sa mga kasamahan habang yakap si Gia na wala ng malay.

" Boss, bakit naman may kasama na suntok talaga?"

Sabi ni Dranreb na lumapit sa kanya at sapo ang labi na dumudugo.

"Inggit lang yang si Lusterio dahil may mahaba kang leave. Adios elite!"

Paalam niya sa mga ito at muling isinakay si Gia sa sasakyan na gamit nito kanina. Nag maniobra na siya paalis sa lugar habang natutulog ang dalaga sa likod ng sasakyan.

Kailangan paggising nito nasa lugar kung saan niya ito balak dalhin. Halos umabot din siya nang dalawang oras bago makarating sa vacation house ni Travis. Pinili niya ito dahil sa isolated ang lugar.

Lavin was once confined in this place. Iginala niya ang paningin, as usual, napaka tahimik ng lugar. Bumusina siya at agad naman nagbukas ang gate.

" Salamat."

Ibinaba niya ang windshield at nagpasalamat sa katiwala ni Travis.

" Naka ready na po ang kwarto. Ayon na din sa bilin ni, Sir Travis."

Sabi nito na tinanguan niya.Bumaba siya ng sasakyan at lumibot sa gawi ni Gia. Wala pa din itong malay na laking pasalamat niya.Ayaw niyang ma witness ng katiwala ang pag wawala nito.

" Maiwan ko na kayo Sir."

Sabi nito at lumapit sa motorsiklo nitong nakahimpil sa gilid. Alam niya binilinan na ito ni Travis.

Maingat niyang binuhat si Gia at ipinasok sa loob ng bahay bakasyunan. Ilang ulit na siyang nakapunta dito, kadalasan kapag mag celebrate si Travis ng party. Pero nahinto na iyon dahil sa trahedya nito sa pamilya.

Sa guest room niya dinala si Gia. Hinubad lang niya ang stiletto nito saka iniwan na sa silid. Lumabas siya at siniguro na naka sarado ang mga pinto. Kahit makalabas si Gia, hindi nito gagawin na maglakad ng malayo para lang makarating sa lugar na may sasakyan.

Pagal ang katawan na ihiniga niya ang katawan sa sofa sa sala. Sa ngayon he needs a rest. Bukas sigurado siyang kailangan niya ng lakas to deal with Gia.

Gia is tempting lying in the bed. He needs to stay away from her. He closed his eyes na si Gia ang nasa isip. At hindi niya akalain na ito ang mabungaran niya pag mulat ng mga mata.

" Fuck! What did you do?"

Agad siyang napatayo at hinubad ang basang damit. Nagising siya sa malamig na tubig na ibinuhos ni Gia sa kanya.

" Pasalamat ka hindi kumukulo ang ibinuhos ko sa iyo! Walang hiya ka!"

Sabi nito habang hawak pa din ang pitcher ng tubig na marahil galing pa sa fridge.

Ang sama ng gising niya! Iyon ang naka rehistro sa buong mukha niya.

" Nasaan ako? Bakit ginawa mo iyon? Alam mo bang halos mamatay ako sa takot?!"

Sigaw nito sa kanya at sinundan siya. Hindi naman sumasagot na nagtuloy siya sa guest room. Wala pa naman siyang dalang damit. Marahil mamaya pang hapon darating ang supplies at gamit nila ni Gia.

" Logan, sagutin mo ako! This is too much! I will call daddy at sasabihin kong kinidnap mo ako."

Pumasok siya sa bathroom pero nakasunod pa din si Gia sa kanya. Baka mag iba ang timpla ng kanyang katawan kapag nakapa ligo siya.

" Hindi kidnap ito. Mag bakasyon lang tayo at alam niyang ako ang kasama mo."

Mababa lang ang tinig na sabi niya. Pero pinag hahampas siya ni Gia sa dibdib.

" Ayaw kitang makasama, Logan. Ibalik mo na ako!"

Hinawakan niya sa pulsuhan si Gia, and pin her on the bathroom wall.

" Bakit mo pinipigilan ang sarili mo Gia? I can feel it, you want me as much as I want you!"

" No! I don't like you! I don't like you at all! The truth is I hate you so much, Logan!"

Sigaw nito sa kanya. And that instant, parang nagdilim ang kanyang paningin.

" Okay let's see how much you hate me."

He lean down and kissed Gia torridly and hungrily!

The boss and the bratWhere stories live. Discover now