#26 GURO

124 3 0
                                    


Guro, Apat na alphabeto pero libu-libo ang itinuturo, kadalasan sila'y nagiging istrikto kapag ika'y hindi natututo.

Pwede natin silang maihalintulad sa isang superhero, na kahit wala silang kapangyarihan para tayo'y mapamangha ay meron naman silang abilidad para tayo'y humanga.

Guro, hindi lang sila nakabase sa pangalan na iyan, dahil pwede rin silang tawaging nanay at tatay mula sa ikalawang tahanan na tinatawag nating paaralan.

Sila ang magsisilbing ikalawang magulang at magtuturo sa kung ano ang tama at mali, sa kung ano ang nararapat at hindi.

hindi kanila papabayan, dahil nung unang araw na pagtapak mo palang sa eskwelahan ay inihanda na nila ang kanilang mga sarili para ika'y gabayan at protektahan.

Minsan nga sila'y Gumagamit ng mga pampasiglang salita para lang ang lahat ay maging masaya, dahil bilang isang ina at ama ay kinakamuhian nila ang malungkot na presensya.

Gaya nga ng sabi ni Padre Jose Burgos, "Mag-aral kayo. Pakinabangan ninyo ang mga paaralan ng bayan hanggang sa kung saan ang maibibigay nito.. Laging maging Pilipino. Isang edukadong Pilipino"

At hindi mabubuo ang isang paaralan kung wala ang ating mga guro, Walang doktor, pulis, sundalo at Piloto kung wala ang mga ito.

Kadalasan nga sila ang una nating nilalapitan sa oras ng kagipitan, sa tuwing may inahing tayo sa buhay na hindi masabi sa ating mga magulang, sila ang nariyan para punasan ang ating mga luha at palitan ng ngiti ang malungkot na mukha. Sila ang ating mga guro, na hindi lang leksyon sa paaralan ang itinuturo, sila ang magiging sagisag ng isang pormula para makalaya tayo sa bingwit ng problema.

Ma'am, Sir, Pasensya na po kung madalas kaming mga estudyante ay hindi namamalayan na nawawalan na ng respesto.
Ngunit nababatid ko po na sa bawat metaporang sinasabi nyo kami ay natututo.

Sabi nga ni gregoria de jesus na "igalang ang mga gurong nagpamulat ng isip
pagka't kung utang sa magulang ang pagiging tao, ay utang naman sa nagturo ang pagpapakatao"

Kaya aming mga guro manatili kayong buhay na bayani dahil nandito lang kami para maging saksi sa mga paghihirap, pagod at tiyaga para lang makamit namin ang aming mga pangarap.

Hindi matutubusan ng isang pasasalamat ang inyong paghihirap.

Kaya Ma'am, madam,Sir, Prof, Nay at Tay o kahit ano pa man po ang inyong katawagan kami po sainyo ay pumupugay.

~~~~~

HAPPY TEACHER'S DAY!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon