#15- Ikaw

214 6 0
                                    


Ikaw,ikaw na nag bigay kulay sa mundo kong walang ka kulay-kulay.

Ikaw,ikaw na nagturo sa aking labi na ngumiti na dati ay di alam ito.

Ikaw,ikaw na nagpasaya at sumuporta sa ating pangarap .

Ikaw,ikaw nangako sakin na hanggang sa dulo ay tayo.

Pero hindi mo sinabi na ikaw,ikaw rin pala ang papako sa Sarili mong pangako.

Dahil....

Dahil nag-balik sya, siya na dati mong minahal,siya na dati mong pinasaya pero...

Pero di ko lubusang akalain na sa kanyang pagbabalik ay ako naman ang iyong nilisan sinta.

Teka...

Teka lang muna, asan na yung salitang mahal kita, kung mahal mo pa pala siya, asan na yung hanggang sa dulo ay tayo kung ikaw mismo ay tinatapos na ito.

Asan na yung suporta mo sa ating pangarap kung ikaw mismo ay binabalewala nalang ito.

Tila ba lahat ay naglaho na, lahat ay nawala na nang dahil lang sa pagbalik niya .

Dumating lang ang nakaraan , pinabayaan at iniwan mona ang kasalukuyan.

Tagalog Spoken PoetryWhere stories live. Discover now