27

595 66 28
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events and places is purely coincidental.

27

Hapon na ng makabalik kami ni Doctor Benitez sa San Vicente Island. Sumunod ang pamilya ng lalaking pasyente na hinatid namin sa kabilang bayan para magamot ng mga Doctor sa Ospital na naroon. Kaya naman ng magkaroon kami ng pagkakataon ay bumalik na kami agad sa Isla dahil inaalala din namin ang naiwan naming mga kasamahan.

Naging mahirap ang biyahe namin dahil nagsisimula nang lumakas at lumaki ang mga alon sa dagat ngunit hindi naman kami pinabayaan ng nasa Itaas kaya matapos ang halos isang oras ay nakarating na kami sa pampang ng Isla.

Agad na bumaba ang kasama kong Doctor at nakangiting inilahad ang palad sa akin.

Tinanggap ko naman iyon at halos patalon na bumaba mula sa bangka.

Dumiretso kami sa tent at naabutan namin ang ibang mga kasamahan na nagliligpit na ng mga ginamit sa mission na iyon habang ang iba pa, lalo na sila Doctor Ramos at ang asawa nitong Head Nurse ay abala pa din sa mga natirang pasyente.

Si Nurse Megan at Nurse Aiko ay kakatapos lang sa kanilang huling pasyente.

Mukhang wala na din naman kaming gagawin kaya tumulong na lang kami sa ibang ililigpit na gamit.

"Kamusta ang pasyente niyo?" tanong ni Megan ng makalapit ako sa pwesto niya.

"He needs an urgent surgery kaya hinayaan na namin ang Pamilya nila doon sa Ospital, wala na rin naman kaming maitutulong dahil may mga Doctor na din na mag-aasikaso sa pasyente, binigay lang namin ang Records at possible diagnosis namin sa kanya." mahaba kong kwento sa kanya.

"Sayang naman, sabi ng kamag-anak niya kanina na hinihintay daw niya ang pagdating ng mga Engineer na magsusupervise sa kanila sa construction, ngayon naman na dumating na ang hinihintay niya ay saka pa siya nagkaganyan."

"Mukhang matagal ng may iniindang sakit si Sir, siguro ay tinitiis lang dahil mahirap ang buhay dito." naaawa kong sabi habang nakatanaw sa mga kalalakihan na gumagawa sa construction site.

"Sana maging okay siya, kawawa naman ang Pamilya niya," pagsingit ni Nurse Aiko dahilan para mapatingin ako sa kanya. "..ang balita ko kasi ay lima ang anak ni Sir tapos puro paslit pa at buntis ulit ang asawa niya." napanganga ako sa narinig.

Saglit kaming natahimik, pawang mga nag-iisip. Hanggang sa ako na ang bumasag sa katahimikang iyon.

"I want to visit them in their house." sabi ko sa dalawang nurse na kaharap dahilan para mabilis silang mapatingin sa akin.

"You'll help them?" bakas ang tuwa sa tanong ni nurse Aiko. Tumango ako at tumingin kay Megan.

"Samahan niyo 'ko, pwede?"

"Sure!"

"Of course!"

Magkasabay na sagot ng dalawa, napangiti ako. "Mamaya pagkatapos ng mga kailangan nating gawin." sabi ko.

"Pag nakita kong dumaan iyong kamag-anak niya mamaya kakausapin ko, magpapasama tayo sa bahay ni Sir." sabi ni Aiko.

"Salamat, nurse Aiko." nakangiting sabi ko.

Pinagpatuloy namin ang ginagawa hanggang sa matapos. Pumunta muna kami ni Megan sa cabin dahil kailangan ko ng gumamit ng cr at magbawas ng fluid sa katawan.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Where stories live. Discover now