Epilogue (Part I)

950 65 17
                                    

Warning: This part may contain sensitive topics about religious beliefs. I'm warning you to just skip this if you can't ride on. Also, it also has matured contents and/or topics that is not suitable for young readers. I do accept and open for criticisms but say it in a nice way that you will not offend someone. Thank you!

KIEL DOMINIC's POV

Bandang alas-tres ng hapon nang huminto ang aking sasakyan sa private hungar ng ekslusibong paliparan na pagmamay-ari ng pamilya Saavedra.

Kanina pa ako hindi mapakali, ilang beses ko na ngang sinipat ang aking sarili sa rear view mirror, ganoon din naman ang paulit-ulit kong pag-amoy sa aking hininga at pag-aayos ng suot na damit.

Kinakabahan ako na parang mapapa-ihi sa halu-halong emosyon na pumupuno sa puso ko.

Makalipas ang dalawang taon, sa wakas ay makikita ko na ulit sa malapitan si Mikaella, ang babaeng pinakamamahal ko bukod kay Mommy at sa kapatid ko na si Kyla.

Sa loob ng dalawang taon ay hinayaan ko siyang lumayo, hanapin ang sarili, at paghilumin ang mga sugat na dulot ng kahapon.

Pareho kaming nasaktan pero siguro ay magkaiba kami nang nakitang paraan para magpagaling ng puso bunga ng mapapait at masasakit na pangyayari sa aming nakaraan.

Puwede naman sana na sabay kaming maghilom na dalawa, pero pinili niyang mapag-isa. Pilit ko na lang inintindi o inunawa ang gusto niyang mangyari; ang paghilumin ang sarili, iyong siya lang at malayo sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Baka sa ganoon siya mas komportable. Mahirap, sobrang hirap mapalayo sa kanya. Walang tawag, walang text. Pinagkasya ko lang ang sarili ko sa dalawang taon na pag-i-stalk sa kanyang social media accounts, sa simpleng batian namin tuwing may okasyon at sa pagtanaw sa kanya mula sa malayo nang hindi niya alam.

After two years, sa wakas... Mayayakap ko na siya ulit, makakasama.

At hindi na ako papayag na lumayo pa siya. Hinding-hindi na dahil pinagbigyan ko na siya ng dalawang taon.

Although hindi naging maganda ang huli naming pagkikita, still.. Alam ko na walang nagbago sa pagmamahal niya para sa akin. Patunay niyon ang mga message greetings niya kapag pasko, bagong taon, noong birthday ko at noong napabalita sa telebisyon ang naging tagumpay ng construction firm na pinatatakbo ko. Sa tuwing babatiin niya ako ay palagi niyang sinasabi sa huli kung gaano niya ako kamahal at kamiss. Hindi siya nagpakilala pero alam ko na siya 'yon.

Alas singko y medya pa ang saktong paglapag ng PrincessLala19 sa pribadong hungar, iyon ang eroplanong maghahatid kay Ella pabalik sa Pilipinas mula sa New York City.

Oo, sa lugar na iyon siya namalagi sa loob ng dalawang taon. Sa kabilang banda ay masaya ako sa mga achievement niya. She went on a six month culinary training and another six month for flower arranging. Sa loob ng dalawang taon ay nagawa niya ang mga bagay na hilig niya. And I'm so proud of her.


Everything was in place. She'll be pleasantly surprised with the celebration we've planned for her.

Mula sa iba't-ibang panig ng eksklusibong paliparan ay natatanaw ko ang mga tao na paminsan-minsang sumisilip sa kinatatayuan ko.

I even saw Kyla whose very excited to see her ate Mika, again.

As our gaze met, we made a thumbs up simultaneously and she giggled after.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Where stories live. Discover now