MOU 2

17 0 0
                                    

CHAPTER 2
 
                       KAYCEE'S POV

Pumasok nako sa bahay namin at nakita ko si mama nanonood ng balita. Nakaupo siya sa sofa at lumingon sakin.

"Oh anak nandito kana pala, kumusta naman ang first day?"tanong niya kaagad

"Ayos lang naman ma" ngiting sabi ko


"Mabuti naman" binalik niya ang tingin sa pinapanood saka nilagpasan ko muna siya at pumunta sa kwarto ko.


Nilagay ko yong bag ko sa may study table, saka nag bihis ng pambahay. Bumaba ako at pumunta sa sofa para manood ng tv, tas tumabi kay mama.


"Ma hindi pa ba umuwi si papa?" tumabi ako sa kanya at nanood ng tv.

"Ah kanina pa siya nakauwi, lumabas lang saglit para bumili ng ulam" sagot niya habang nakatutok parin sa pinapanood.

Mukang may relasyon na namang natapos dahil sa may third party, tapos sa sunod na balita may isang sikat na celebrity ang nadisgrasya at naging kritikal ang buhay, iyak naman ang babaeng jowa nito.... Kasaklap!

Ayoko kayang ma experience ang ganyan, kaya iniisip kong maging katulad sana ang buhay pag-ibig ko sa hinaharap sa mga Disney princess dahil nakasama nila ang kanilang mga taong minamahal at hindi sila pinagpalit sa kabit....

Nanood lang kami ng balita ni mama at maya-maya dumating na si papa na may dalang ulam, bumili pala sya do'n sa karenderya ni aling martina.

"Papa!" tawag ko ng pumasok siya sa bahay.

"Anak nakauwi ka na pala, ito may dala akong ulam" sabi nya sa'kin at pinakita ang dala n'yang ulam.


Tumayo din si mama at kinuha ang dalang ulam ni papa at pumunta sa kusina nag handa para sa hapunan.

"Hali na kayo, kakain na" singaw ni mama saamin ni papa. Pumunta kami ni papa sa kusina at umupo  at nagsimula ng kumain.

Tumayo muna ako saglit para kumuha ng tubig sa ref. Nilagay ko ang pitser sa lamesa para may maiinom din sila mama. May laman ng tubig ang pitser ha baka akalain niyo pitser ang ipapainom ko sa mga magulang ko.

Bigla ding nag tanong si papa
"Anak kumusta first day sa school?"


Nilonok ko muna ang pagkain saka nagsalita "Ayos lang naman pa,mayron ding bagong estudyante, new transferee, iyong anak siguro ng may ari dyan sa bagong bahay na nasa unahan ng bahay natin"sagot ko naman sakanya.

"Ahh sige ubusin mo na yang pagkain mo"

Nilagyan ko ng tubig ang baso sa ka uminom...nagsalita naman si mama ng kina gulat ko.

"Ay oo nga kila Shane iyon kaibigan ko"sabi naman ni mama kaya nasamid ako habang umiinom ng tubig.

"Oh, anak okay kalang?"tanong ni mama at tinatapik ang likod ko.


"Ayos lang ma, ano nga ulit yong sinabi mo?" kaibigan daw nya!?

"Kila Shane yong bahay na yon, siya iyong kaibigan ko noong highschool, gabi na nang dumating sila dito kahapon"

"Ha!? dumating na pala sila pareng kristop?"Sabi ni papa na gulat din.

"Oo mahal, kahapon pa at nag kita kami ni Shane pa pupuntahin daw tayo sa bahay nila mamayang alas syete"

"Po?"gulat padin ako..teka lang medyo di pa nagpoprocess sakin ang nalalaman ko.

"Bakit anak may problema ba?"

Moments Of Us ( ONGOING)Where stories live. Discover now