MOU 3

10 1 0
                                    

CHAPTER 3
  
                       KAYCEE'S POV

Pagkatapos non nag inoman na sila papa at nagkwentuhan din sila mama. Ako naman nakaupo lang dito tumingin-tumingin sa paligid. Natanaw ko pa ang swimming pool nila.

Rinig ko din ang mga pinag-uusapan nila

"Biglaan ata ang pag-uwi niyo ng Pinas pre" saad ni papa

"Oo nga...may nangyari kase" mukhang sersoyo na ang mukha ni tito

"Kaya napag-isipan namin na dumito muna kami ng mga bata habang inaasikaso pa ang mga bagay-bagay doon" dagdag naman ni tita at kita mo ang lungkot ng mga mata niya

"Uh siya mukhang sersoyo nga yan, ngunit mabuti na din iyon nang makabonding tayo."
Inakbayan naman ni mama si tita, halatang mag best friend talaga.

Nakaupo din ang lalaki sa gilid ko. Mukhang bored na bored. Ewan ko ba, pero sa tuwing tinititigan ko siya parang ang lalim ng mga iniisp niya.

Nangingibabaw ang ka daldalan ko kaya meron akong lakas ng loob na maki pag-usap.


"Hi"pagbati ko pero hindi siya sumagot ang cold talaga.

"Ikaw yung new student diba?"tanong ko..Ang bobo naman ng tanong ko eh halata naman.

"Hmmm" buti naman meron akong narinig na tugon galing sa kanya pero hindi naman ito naka tingin sakin.


Nakatitig nanaman ako sakanya, ang gwapo nya kasi tignan lalo na sa malapitan, lumingon naman sya sakin "What?"kumunot noo nya.

"Huh?"nagtatakang sabi ko

"Why are you staring at me?"Hala! englishero talaga,mukhang mapapasabak ako ngayon

"I'm not staring at you,kapal mo ha"pag iling ko


"Tss..liar" Hindi nako sumagot don, totoo naman eh


Pinagdarasal ko nalang na hindi nya ako nakitang nakatitig nong nasa Mini Mart kanina. May pumasok ding lalaki at may dalang paper bag, medyo kahawig nya. Siguro siya yung kapatid nya.


Lumapit naman ito sa couch kung saan kami nakaupo.


"Kiefley"tawag ni tita at tumayo


"Mom" sabi nya at nakangiti, lumingon din kaming lahat don


"Zi, si kiefley siya yung panganay ko"
Tumayo naman si mama at papa para batiin ito


"Kief sya si tita zianne mo at tito rayce" pagpapakilala ni tita.


"Hello, good evening po"nagmano naman ito kila mama. Pareho din sila nitong katabi ko,  nagsasalita ng English....may accent pa, sosyal

"Good evening din hijo"nakangiting bati ni mama


"Ang ga-gwapo ng mga anak mo pare"sambit ni papa


"Naman nagmana sakin"pagbibiro ni tito


"Asus"inirapan siya ni tita

"Kiefley, si Kaycee anak ng tita zianne at tito rayce mo"tinuro ako ni tita

Ngumiti lang ito sakin at ngimiti nalang din ako. Umalis naman ito saglit at umakyat sa taas kasi ilalagay daw muna nya ang binili don.


Pagkabalik niya umupo sya sa harapan ko"Kaycee right?"


"Opo"nahihiyang sabi ko


"I'm kiefley, you can call me kuya kief" pagpapakilala nya sakin at inilahad ang kamay nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moments Of Us ( ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon