Chapter 20

41K 1.7K 766
                                    

"Ate, kumain ka na."

Malakas akong kumatok sa pintuan ng kwarto niya. Kanina pa ako tawag nang tawag ay walang sumasagot kaya pinasok ko na.

Tirik na ang araw sa labas pero bagsak pa rin ang katawan at talukap ng mata ni Ate. Ibinaba ko sa sidetable ang food tray laman ang breakfast-lunch niya.

Maitim ang paligid ng mga mata ni Ate. Kahit ang mga buto niya sa mukha ay halatang-halata na.

Naupo ako sa gilid para pagmasdan siya. Hinawi ko ang buhok niya at itinago sa likod ng tenga. And there I have the full view of the beautiful Pamela Tyra Gutierrez

"I miss you, Ate."

I miss the old her. The old us. 'Yung mga panahong kakampi ang tingin niya sa akin at hindi kalaban. Kapatid ang tingin niya sa akin at hindi kakompetinsiya.

Hindi ko siya sinisisi, dahil may mga dahilan siya. I am just longing for that feeling again. When I don't have to force myself to befriend with anyone dahil meron akong siya. Sapat na kami sa isa't isa.

"Gagaling ka, Ate. Makaka-recover ka. Gagawin ko lahat para mabuhay ka ulit nang masaya." Pinunasan ko ang pisngi ko.

"Sana tulungan mo ako, sana tulungan mo ang sarili mo." Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ito sa noo. "Mahal na mahal kita, Ate."

Lumabas ako ng kuwarto sa pinaghalong sakit at gaan ng puso. Madalas kong dalhan si Ate ng pagkain sa kuwarto dahil hindi na siya halos lumalabas.

"Papa."

"Kumusta?" si Papa.

"Tulog pa." Umupo ako sa tabi ni Papa at dumantay sa balikat niya. "Pa?"

"Hmm?" Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri.

"Paano ko sasabihin kay Mama ang tungkol kay Ate na hindi siya mag-aalala?"

Tiningala ko si Papa nang huminto siya sa ginagawa. "Kasama na sa araw-araw ng buhay-magulang ang pag-aalala, Prim. Wala pa mang problema, nag-aaalala na kami."

"Paano nga, Pa?"

Bumuntong-hininga siya. "Mag-aalala at mag-aalala ang Mama mo, Prim. Posibleng umuwi pa siya kapag nalaman niya ang tungkol sa kapatid mo."

"It would be a mess. Kailangan niyang tapusin ang kontrata niya sa ibang bansa."

Tumango siya. "Tama ka."

"Baka puwedeng hindi ko na lang sabihin, Pa?"

Pinagpatuloy niya ang paglalaro sa buhok ko. "Kailangan malaman ng Mama mo, Prim. Hindi ito simpleng bagay lang, anak."

Kung ganoon, pano ko nga sasabihin? Hirap na hirap na ako sa bigat na sikretong dinadala ko. Nakakakonsensiya ng itago ang lahat kay Mama.

Buong gabi nasa utak ko ang tanong na 'yon. Paano ko aaminin kay Mama ang lahat? Paano ko ipapaliwanag?

Pinag-isipan kong mabuti. Buong linggo kong pinaghandaan ang pag-uusap namin ni Mama. Hinanda ko ang sarili sa posible niyang reaksiyon. Pero kung kailan naman naka-set na ako para ipaalam sa kaniya lahat ng nangyayari dito sa bahay ay saka siya unavailable.

Maiintindihan ko pa kung araw ako tumawag ay hindi niya sinagot dahil may trabaho pa siya, pero alas dose na ng gabi. Sakto lang para sa oras ng pahinga niya sa Kuwait.

"May problema ba, Prim?"

Paikot-ikot ako sa loob ng kuwarto habang nadi-dual. "Ayaw sagutin ni Mama ang tawag ko, Pa."

"Baka nagpapahinga na," sagot niya.

"Kahapon ko pa siya sinusubukan tawagan, mula umaga hanggang hapon."

Beyond the Horizon | Academy Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon