Kabanata 07

9 3 0
                                    

"Siya na ba ang anak ng buwan na tinutukoy mo?" Tanong ni Ina habang nakatingin na kay Sinestro na nasa tabi ko.

"Siya nga po, Ina." Sagot ko at mas lalo naman silang lumapit kay Sin.

"Pwede ba naming malaman ang iyong pangalan, anak ng buwan?" Tanong ni Ama at tumango naman si Sin.

"Ako si Sinestro. Ikaapat na anak ng buwan at namamahala sa lawa ng lotus." Pagpapakilala nito.

"Ikinagagalak namin na makilala ka, Sinestro. Sana nagustuhan mo ang pananatili mo rito. Sabihin mo lang kapag may kailangan ka at handa kaming ibigay iyon. Gawin mo ng bahay mo itong palasyo. Pwede kang manatili dito kahit na gaano pa katagal." Saad naman ni Ina.

Kagaya ng sinabi ko ay masyadong mabait ang aking mga magulang sa mga anak ng buwan. Maski ang mga naunang mga anak ng buwan na napadpad rito ay ganoon din nila kung tratuhin. Nasabi nila sa akin noon na nakausap raw nila ang buwan at pinakiusapan sila na tratuhin ng mabuti ang mga anak nito. At ang kapalit ay masaganang ani at maayos na kalusugan.

"Nabanggit na po kayo ni Amang Buwan sa akin. Kapag raw sakaling nanganib ang aking buhay ay pumunta raw ako rito sa palasyo ng Duwan." Nanatili lang akong nakikinig sa kanila pero ang paningin ko ay nakapako lamang kay Sin.

"Paano mo nga pala nakilala ang aming anak, mahal na Sinestro?" Tanong naman ni Ama.

"Naghihingalo ako sa aking tahanan, sa lawa ng lotus ng bigla ko siyang nakita. Tinulungan niya naman ako at dinala rito sa Imperyo ng Duwan at ginamot. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka namatay na ako." Tumingin rin siya sa akin habang sinasagot ang tanong ng aking ama.

"Mabuti at ginawa mo iyon, Kang Gin-hoo." Tumango lamang ako at bahagyang yumuko matapos sabihin iyon ni Ama.

"Kang Gin-hoo?" Tanong ni Sin.

"Iyon ang aking totoong pangalan, anak ng buwan." Sagot ko naman sa kaniya. Napatango-tango naman ang anak ng buwan dahil sa sinabi ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Ina kay Sin at tumango naman ito. "Kumain ka ulit. Saluhan mo kami ng mahal na hari." Aya pa ni Ina sa kaniya. Napatingin naman ito sa akin at tinanguan ko lang naman siya. Pumayag naman ito kaya agad namang inutusan ng Reyna na maghanda ng makakain ang mga katulong. Habang hinihintay ang makakain namin ay nag-usap muna kami. Panay ang tanong ni Ama sa akin tungkol sa mga nangyayari dito sa palasyo pero maya-maya lang ay natuon naman ang atensiyon nila kay Sin at ito ang kinausap nila. Hinayaan ko lang naman sila.

"Tuluyan na bang gumaling ang iyong sugat?" Tanong ni Ina sa kaniya.

"Humilom na ang natamo kung sugat pero hindi pa rin pwedeng makabunggo sa mga bagay na pwedeng maging dahilan para bumuka ulit ang sugat."

"Kamukhang-kamukha mo ang iyong Ina, mahal na Sinestro." Naging interesado naman ako dahil sa sinabi ni Ina.

"Nakilala niyo rin ang aking Ina, mahal na Reyna?" Tanong ni Sin.

"Nakita namin ito ng sinundo siya ng iyong Ama rito sa lupa. Meron siyang mga puting pakpak at itim na mahabang buhok. Isa siyang anghel pero dati siyang tao, tama ba ako?" Nakangiting tanong naman ni Ina at tumango naman si Sin.

"Tao?" Tanong ko.

"Merong kwento dati. Ipinasa pa ang kwentong iyon ng mga ninuno ko sa akin. Ang Buwan o ang hari ng Buwan na tinatawag ay umibig sa isang mortal, isang taong kagaya natin." Pagsisimula ni Ama kaya naging interesado naman ako lalo. "Naging maayos naman ang pagsasama nilang dalawa kahit na ganoon ang sitwasyon dahil mahal na mahal nila ang isa't-isa. Nagkaanak sila ng sampung bata na tinawag na mga anak ng buwan. Pero dahil mortal lamang ang babae ay hindi naiwasan na mawala ito sa mundo dahil na rin sa sakit nito. Labis na dinamdam ng Buwan ang pagkawala ng kaniyang asawa pero naghimala bigla ang langit. Biglang tumaas sa ere ang katawan ng wala ng buhay na babae at bigla na lang itong nagmulat. Tumubo sa likod nito ang puting mga pakpak. Nagkasama ulit ang Buwan at ang Anghel. Pumunta sila Buwan at doon na namalagi simula noon. Pero nang lumaki na ang mga anak nila ay may nabuong isang batas. Ang matatalo sa labanan ng dalawang magkapatid ay siyang bababa dito sa lupa at dito na maninirahan. Makakabalik lamang siya sa buwan kapag siya ay namatay na dito sa lupa."

SINESTRO Where stories live. Discover now