Kabanata 18

14 3 0
                                    

"Inaanyayahan kayo ng ibang prinsipe at ng iyong mga pinsan na pumunta mamaya sa pagtitipon na gaganapin sa Gidel, mahal na prinsipe. Inaasahan nila ang inyong pagdating." Imporma sa akin ng punong tagapagbantay.

"Mabuti ang mga iyon at walang trabahong ginagawa at nagpapakasaya lamang sa kanilang buhay." Bumuntong-hininga na lamang ako at tiningnan si Sinestro na ngayon ay natutulog na sa tabi ko at ginawang una ang hita ko.

Napagod siguro ito sa paglalaro sa labas kanina. Pati ang mga bata ay nilalaro nito at hinayaan ko na lamang siya dahil mukhang masaya naman ito sa kaniyang ginagawa.

Itinigil ko naman ang pagsusulat at senenyasan ang punong tagapagbantay na bigyan ako ng kumot. Kumuha naman ito at makaraan ang ilang sandali ay nakabalik na ito at may dala ng kumot. Nang maibigay sa akin iyon ay maayos ko namang ikinumot iyon sa lalaking natutulog. "Ipahanda mo ang susuotin at mga gagamitin namin ng anak ng buwan mamaya kapag nagising na ito." Utos ko rito.

"Pupunta kayo sa Gidel, mahal na prinsipe?"

"Kailangan kung pumunta roon dahil mga kaibigan at pinsan ko ang nagpatawag sa akin. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko ang kanilang paanyaya, hindi ba? Hindi naman malayo ang lugar na iyon dahil nasa gitna lamang iyon ng bayan kaya hindi problema ang pumunta ro'n. At isa pa, gusto ko rin na ipakilala ang anak ng buwan sa kanila ng personal." Saad ko habang inaayos ang buhok ni Sin.

*Gidel- isang maliit na gusali sa gitna ng bayan kung saan palaging nagkikita ang mga prinsipe at mga kaibigan ng mga ito. Isang kuwarto lamang iyon sa ikalawang palapag ng gusali. Doon sila nagtitipon-tipon at nagkakasiyahan.

"Ipapahanda ko na ang karwahe ngayon para aalis na lamang kayo mamaya. At... sisiguraduhin ko na komportable iyon para sakyan ng mahal na prinsipe at ng anak ng buwan."

"Gawin mo iyan. Maglagay ka rin ng tinapay sa loob ng karwahe dahil kumakain ang anak ng buwan kapag nasa biyahe kami."

"Masusunod. May iba pa ba kayong gustong iutos, mahal ba prinsipe?"

"Wala na. Makakaalis ka na."

Nagpaalam naman ito at tuluyan ng lumabas sa aking kwarto. Habang ako naman ay nagpatuloy na sa pagsusulat. Pinermahan ko na rin ang mga dapat permahan para wala na akong iisipin pa mamaya.

Dumaan pa ang ilang sandali bago tuluyang nagising si Sinestro. Kinusot-kusot pa nito ang mata na parang isang bata. "Magandang hapon." Bati nito at yumakap sa braso ko.

"Gabi na ngayon, Sin." Saad ko dahilan para matigilan naman ito.

"Sigurado ka ba riyan? Pero mabilis lang naman ang tulog ko. Pakiramdam ko nga ay minuto lang ang naging tulog ko."

"Siguradong-sigurado ako. Pero puwede ba na mamaya mo na lamang ipagpatuloy ang pagtulog mo. Puwede mo ba muna akong samahan sa pupuntahan ko?"

"Saan ka ba pupunta?" Tanong nito at mababasa sa tono ng kaniyang boses na sabik itong sumama.

"May pagtitipon kami ngayon ng ibang mga prinsipe at ng mga pinsan ko. Gusto sana kitang isama para sumaya naman ako sa pagpunta ko ro'n kahit papaano." Masaya naman ako kahit na mag-isa lamang akong pumunta ro'n noon pero iba pa rin talaga kapag kasama ko siya. Mas lalo akong sumasaya.

"Isasama mo talaga ako? Pero baka anong sabihin sa iyo ng mga kaibigan ko kapag isang lalaki ang kasama mo."

"Sinabi ko na sa iyo noon na ayos lang kahit na sino ang isama ko ro'n, diba? At wala na sa kanila iyon. Mas natitiyak ko na mas magugulat sila mamaya dahil kasing ganda mo ang kasama ko. Ang pinakamagandang anak ng buwan dito sa Duwan." At labis akong nagagalak na ipakilala siya sa aking mga kaibigan.

SINESTRO Où les histoires vivent. Découvrez maintenant