Chapter 3

11 1 0
                                    

Tapos na ang maliligayang araw ko at aalis na ako bukas papuntang maynila. Ang ibang gamit ko nauna na sa akin, sa apartment raw ako sa tabi ng FIU titira.


Ngayon, naghuhugas ako ng plato habang paluha luha. Ito na ang huling oras na ako ang taga-hugas nila ng plato.


Nabasag ko ang baso na siyang ikinanguso ko. Napalingon ako kay Papa ng may luha sa mata.


"Pa nabasag." Hindi ko alam pero hindi nagalit si Papa. Kailangan ko na bang tumakbo bago niya ako paluin ng tingting na walis?


Tumayo si Papa kaya mabilis akong tumakbo pero agad ring napahinto."Hindi kita papaluin halika rito."


Ngumuso ako.


Bahagyang napatawa si Papa."Oo, halika rito."


Lumapit naman ako. Inakbayan ako ni Papa at tinignan naming dalawa ang nabasag na baso.


"Kapag humingi ka ng tawad maibabalik ba yan sa dati?" Tanong ni Papa.


Nagtataka man. Sumagot ako."Hindi."


"Katulad rin 'yan ng tao. Kapag sinabihan mo ng below the belt na salita hindi maibabalik sa dati ang isang tao. As you can see Larein, words of insult can make a person doubt on himself. Katulad ng basong basag, ilang ulit ka mang humingi ng tawad hindi mo na mawawala ang sakit at epekto nun sa nararamdaman ng isang tao." Paliwanag ni Papa.


"Depression." I uttered to myself.


"Depression can make a person horrible. Chose to become a good person who chose to console a depressed person not a person na dadagdagan pa lalo ang depression ng isang tao." Paliwanag ni Papa. Napatango naman ako. Lasinggero man si Papa pero wais siya sa mga salita niya.


"Always chose the best choice before you decide because that decision of yours will bring you to your safe place." Ginulo ni Papa ang buhok ko at hinalikan ako sa noo bago ako iwanan sa kusina.


Tinapos ko ang ginagawa at pumunta pabalik sa kwarto ko. My room is now empty. Lahat ng wattpad books ko nasa karton na, inuna ko talagang maipadala yon sa maynila kasi mas importante yon sa buhay ko. Ubos na ubos na ang kwarto ko.


Napabuntong hininga ako at humiga. Kinuha ko ang cellphone ko at nagscroll sa facebook. First time ko lang magka-cellphone kaya nakakapanibago. Nakikibasa lang ako dati sa cellphone ni Papa e.


Na-like ko na lahat ng page ng FIU. Grabe sila, halos lahat ng estudyante nila na nananalo sa kung saan na patimpalak, naka-post. Katulad na lang nito, tatlong lalaki na may trophy na hawak, nanalo raw sa basketball. Tapos meron ring babae na nanalo sa dance contest at meron ring isang babae na nananalo sa shooting.


Langya, ang lupit. Pwede palang magdala ng baril don. I'm planning to join their Arnis Team kaya sana masali ako.


Pagumalis ako, tanging backpack ko na lamang ang dala ko, kasi, as I say nga, nandon na lahat ng gamit ko. Sarili ko na lamang ang natira rito.

A Promise in Sicogon (Summer Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora