Chapter 24

2 2 0
                                    

Chapter 24

"Hindi kona to kaya!"sabi ko sabay inis na binaba ang cover ng Loptop, treading kasi ngayon ang nangyari kay Hoseok. At ang daming Harsh Comments ang nababasa ko at i am sure pag nakita iyon ni Hoseok masasaktan siya, hindi ko nga alam kung but kailangan ng Ganun eh sila ang Harsh, kaya kailangan konang makita siya baka stress na stress na siya ng dahil dito, nag alala na ako, at isa pa di pa siya ma contact di ko malaman kung anong ang lagay niya, kaya Pupuntahan ko siya

"kailangan ko siyang Puntahan" sabi ko sabay kuha ng Bag ko "gusto kong malaman kung Ok lang ba siya" sabi ko at aalis na sana ng pigilan ako ni Aimie ng mag salita siya.

"Jia hindi ka pwedeng pumunta dun!" Pag pipigil ni Aimie sa akin.

kasama ko nga pala siya ngayon, nalaman niya kasi ang nangyari eh kaya agad siyang pumunta dito para damayan ako kahit busy siya sa pag soshoot ng Drama niya

Napa kunot noo naman ako sa Sinabi niya
"Huh? Bakit? Gusto kolang malaman kung Ok lang ba siya" sabi ko at nag pupumilit pero hinawakan uli ni Aimie ang mag kabilang balikat ko at pinaharap sa kanya

"Jia makinig ka,"sabi niya na seryoso ang mukha.
" naiintindihan kita OK pero sa sitwasyon ngayon wala tayong magagawa dun, lahat ng media naka bantay sa kanila hindi din tayo makaka pasok, kaya sa ngayon kailangan na muna nating mag hintay,"

Umiling naman ako
"Hindi sandali lang.. Sisiguraduhin kolang na ok siya, saglit lang talaga" pamimilit ko at nag lakad na

Narinig ko naman ang buntong hininga niya

"Jia Hindi mo naiintindihan!" Sigaw niya para naman akong natauhan sa sigaw niya
Napa tigil naman ako sa pag labas, at napa tingin sa kanya, first time kong nakita na ganun ka galit si Aimie, para naman akong natakot dun.

"jia!! alam mobang kakapanalo molang sa isang Malaking kontest huh? At ang daming tobloid, news paper company at TV station ang gusto maka interview ka diba?, at dahil dun, baka nag pa background Check na sila sayo, at baka niyan may manga Reporter din ang nag babantay sayo, kaya kapag lumabas ka dito tas pupuntahan mo si Hosoek tas malaman ng manga reporter ang Conection niyong dalawa baka mas Gugulo pa ang lahat," sabi niya

Napa tingin naman ako sa kanya at may ideang Lumabas sa utak ko

"Tama ang media, pwede tayong mag labas ng statement na kasalanan ko ang lahat, lilinawin kolang na ako ang may kasalanan at walang kasalanan si Hoseok" sabi ko

"Ano? Nababaliw kana ba? Jia Hindi ganun ka dali yun, sege sabihin na nating Umamin ka? Tingin mo di pa din madadamay si Hoseok huh?madadamay parin Jia, gugulo lang ang Lahat. Buhay mo at buhay niya, At isa pa kaya walang sinasabi si Hoseok Dahil pinoprotektahan ka niya dahil ayaw niya na madamay ka sa issue, alam moba pag lumantad ka at pag nalaman ng manga Fans na ikaw yung pinagtanggol niya, magagalit ang Buong Funs sayo! Gurulo ang Buhay mo, at Baka sunod niyan ma apektuhan na yung Career mo, at hindi lang yun baka madamay na lahat, pati friendship niyo, kaya walang sinasabi si Hoseok Jia, kasi alam ni Hoseok kung anong epekto" Sabi niya at bumuntong hininga

Napa upo naman ako sa sahig,

"Pero Aimie nahihirapan na siya ng dahil sa akin, dahil sa kasalanan ko nangyari to, kaya tatanggapin ko ang Consequences ng lahat"sabi ko na naiyak.

Narinig ko naman ang buntong hininga ni Aimie

"Jia naiintindihan kita, pero hindi kasi yun ganun ka dali eh sege pag lumantad ka, panibagong Issue nanaman, tatanungin ng lahat kung anong relasyon niya sayo, kung ano ka sa buhay ni hoseok, kahit pa Sabihin niyong magkaibigan lang kayo, hahanap at hahanap parin ng issue ang manga reporter guguluhin ang private life niyo, hanggang sa hindi na kayo pwedeng mag kita dahil sa kanila, hindi mona makakasama ang Bestfriend ko, at baka masira na ang Career nila" pabulong na sabi niya

"LOVE  MAZE" Jung Ho-seok (BTS SERIES-4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon