na lang

16 1 0
                                    

Bukas na lang--
ito ang madalas mong sinasabi
sa tuwing may gusto kang baguhin sa sarili
ngunit sa tingin mo ay hindi madali
mapapasabi ng opps, teka sandali
mapapatanong kakayanin ko ba ito o hindi?

Itutuon ang atensyon sa ibang bagay
ito ang pagkakaabalahan, oras ay ibibigay
pagdating ng gabi, tila hindi mapakali
naghahanap ng ibang gagawin, tila hindi nagmamadali
at pag kinulang sa oras ay mapapangiti,
babangiti'y sige,
bukas na lang uli.

Bukas na lang--
ito ang laging binabanggit
sa mga pangarap na gustong makamit--
sa tuwing may gusto kang subukan
ngunit natatakot masaktan
maaring may takot, may pangamba sa isipan.
Siguro natatakot, 'di lang kayang aminin
gustong simulan ngunit 'di kayang tapusin

Kaya puro pangarap na lang muna
puro salita hanggang hindi napupuna
na ang mga pangarap ay nilalampasan ka na
papalayo nang papalayo hangang hindi mo na makuha.

Ngingiti at manghihinayang
Hihiga sa kama at kalilimutan ang sinayang
sige na nga, bukas na lang
hangang maging sige, huwag na lang.

---

09122021

12:31 Pm

Shuta pinapapak na ako ng lamok dito. Brownout pero atleast natapos ko? "Bukas na lang" yung phrase of inspiration ko then i just go with the flow. gusto ko lang talaga gumawang tula na may rhyme lol. Daming sinabi

AnimaWhere stories live. Discover now