Part of a team

1K 54 7
                                    

PART OF A TEAM

Hindi ko alam kung gaano kabilis ko narating ang North Gen Hospital. Basta ang alam ko matapos marinig kay Vilma na tumawag ang Daddy ni Mia, agad kong kinuha ang gamit ko at agad na umalis papunta sa Hospital.

Habang nagmamaneho, kung ano-ano ang pumasok sa isip ko. Kinakabahan ako. Nagsisimula palang ang pagkakaibigan namin ni Mia tapos magi-end na agad? Parang walang namang hustisya yun.

Pero bakit ba worst ang iniisip ko kaagad? Hindi ko pa nga alam ang nangyari eh.

Pagkapasok ko sa lobby nang Hospital agad akong pumunta sa information area para malaman kung nasaang room si Mia. "Mr. Mendoza, good to see you here." nakangiting bati nito sa akin. "Mr. Velasco is waiting for you in the garden area. You may take this way."

Naglakad ako papunta sa itinuro nang babae sa akin at sinundan nalang ang may signage papunta sa garden at nang marating ko yun doon ko yun agad kong nakita ang Daddy ni Mia na nakaupo sa isang bench mag-isa. Sakto naman napatingin sya sa gawi ko.

I didn't know na ang Hospital pala ay may ganitong lugar but it's good atleast may lugar na tahimik wherein you can think and release all the negative vibes. Ito rin kaya ang dahilan nang Daddy ni Mia bakit ito mag-isa na andito?

"Goodmorning Sir." bati ko nang makalapit ako.

"You know Mr. Mendoza?" hindi ito nakatingin sa akin, "I hate you." napalunok ako. Just wow! That was the first phrase na sasalubong sa akin. Iba talaga ng Daddy ni Mia. "...but I guess I have to admit that my daughter needs you."

"How is she?"

"She's fine." sagot nito. "Now she's fine. Noong umalis ka naging tahimik sya, hindi masyadong lumalabas nang kwarto. At alam mo ba na ayaw nyang pumunta sa schedule nang check up nya and I am hating you for that. Alam ko na ginagawa nya ito dahil..." napahinga sya nang malalim. Halatang galit ito. Napailing nalang ito.

"Now we're here in the Hospital. After dinner last night bigla nalang syang nahirapang huminga." I can sense pain in his voice, alam kong sa pagaalala iyon nito sa anak. "Sabi nang Doctor pwedeng stress ang isang dahilan nang nangyari, maayos naman ang mga laboratory tests na ginawa sa kanya."

Umupo ako sa tabi nito at pareho kaming nabalot nang katahimikan. Kung titingnan nyo ang father ni Mia alam maging sya ay parang makakasakit din. SIguro dahil sa pagaalala nang sobra sa anak.

"Sir, bakit ito yung buhay na pinili nyo for Mia?" hindi ito bumaling nang tingin sa akin. Hindi rin ako agad na nakatanggap nang sagot.

"Be a father first, by then you will understand every decision I made for Mia." ako ang hindi nakasagot. "She was just four days only when she had her first open heart surgery, the second came four months later. We anticipated already anticipated the operations; 18 weeks palang si Cynthia, kinausap na kami nang Doctor sa condition ni Mia." nakikinig lang ako sa kwento nito.

"We used every money we had, hindi namin inisip kung mauubos ba ang pera namin basta we want Mia to live. We gathered Doctors na pwedeng magbigay nang idea sa condition nang anak ko and we came up sa third operation- a heart transplant na when she was seven years old."

Beautiful StrangerWhere stories live. Discover now